PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jasmine Curtis-Smith on Jerome and Diego: "Walang ere pareho."

Jasmine headlines new movie A Glimpse To Forever
by Jojo Gabinete
Published Mar 10, 2024
Jasmine Curtis-Smith
Jasmine Curtis-Smith takes pride in new movie A Glimpse To Forever, which she co-headlines with Diego Loyzaga and Jerome Ponce.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Muling ipinamalas ni Jasmine Curtis-Smith ang husay nito bilang aktres sa mga eksena niya sa A Glimpse of Forever.

Read: Jasmine Curtis-Smith on breakups in showbiz: "Huwag naman kami."

Ito ang pelikulang pinagbibidahan nila nina Diego Loyzaga at Jerome Ponce na nagbukas sa mga sinehan noong Marso 6, 2024.

Kakaiba ang kuwento ng A Glimpse of Forever dahil virtual reality ang setting ng love story movie, na akmang-akma sa panahon ngayon at tiyak na magugustuhan ng mga kabataan.

Naging madali para kay Jasmine na gawin ang pelikula, na mula sa direksyon ni Jason Paul Laxamana, dahil masaya at magaan na katrabaho sina Diego at Jerome.

"These two guys are so fun to work with. Nakikinig talaga ako sa mga batuhan nila. I really learned from them at walang ere pareho," sabi ni Jasmine tungkol sa kanyang leading men sa pelikula.

Tuwang-tuwa si Jasmine sa suporta na ibinigay sa kanya ng kapatid na si Anne Curtis at Senator Robin Padilla na kapwa dumalo sa sa red-carpet premiere ng A Glimpse of Forever noong Lunes, Marso 4, 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinagalak din ni Jasmine ang pagdalo nina Liezel Lopez at Luis Hontiveros, ang mga co-star niya sa Asawa ng Asawa Ko, ang prime-time drama series ng GMA 7.

Bukod sa pasasalamat kina Liezel at Luis, pinasalamatan ni Jasmine ang mga sumusubaybay sa Asawa ng Asawa Ko dahil sa mataas na ratings nito.

JASMINE CURTIS-SMITH ON JACLYN JOSE'S PASSING

Ang The World Between Us—na napanood mula Hulyo 5, 2021 hanggang Enero 7, 2022—ang huling proyekto ni Jasmine sa Kapuso Network bago niya tinanggap ang Asawa ng Asawa Ko.

Ang The World Between Us ang isa sa mga hindi malilimutang teleserye ni Jasmine dahil nabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho nang matagal ang award-winning actress na si Jaclyn Jose.

Pumanaw si Jaclyn noong Marso 2, 2024.

Dahil lock-in ang taping nila noon para sa The World Between Us, higit na naging malalim ang relasyon nina Jasmine at Jaclyn.

"Napalapit ako kay Tita Jane and marami akong saloobin na na-share sa kanya," ang kuwento ni Jasmine tungkol sa mga ala-ala niya sa sumakabilang-buhay na aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ni Jasmine na malaking kawalan si Jaclyn sa industriya at ipinagdarasal niya sina Andi Eigenmann at Gwen, ang mga naulilang anak ng namayapang aktres.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jasmine Curtis-Smith takes pride in new movie A Glimpse To Forever, which she co-headlines with Diego Loyzaga and Jerome Ponce.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results