PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Backer of Tahanang Pinakamasaya mainstay looking for another show

GMA-7 programming, magbabago na simula sa Biyernes, March 8.
by Jojo Gabinete
Published Mar 6, 2024
tahanang pinakamasaya
Tahanang Pinakamasaya will officially go off the air on Friday, March 8, 2024.
PHOTO/S: TAPE Inc. Facebook

Inaabangan ang paglalabas ng opisyal na anunsiyo ng pamunuan ng GMA Network Inc. tungkol sa mga pagbabagong magaganap sa oras ng kanilang mga programa.

Hanggang bukas, Huwebes, Marso 7, 2024, na lamang kasi mapapanood ang replay episode ng Tahanang Pinakamasaya, ang magwawakas na noontime variety show ng TAPE Inc.

Read: Tahanang Pinakamasaya, replay na ang pinapalabas; kapalit na show, ginagawa na ang set?

Inaasahang mga lumang pelikula ang pansamantalang mapapanood sa timeslot (12:00 noon to 2:30 p.m.) na mababakante ng Tahanang Pinakamasaya, at mangyayari ito sa darating na Biyernes, Marso 8, 2024.

Simula sa Biyernes, matutunghayan ang Abot-Kamay Na Pangarap tuwing alas dos ng hapon.

Susundan ito ng Lilet Matias: Attorney-at-Law, Makiling, at Fast Talk With Boy Abunda.

Read: Mga Kapuso drama series, iaakyat sa noontime slot kapalit ng Tahanang Pinakamasaya?

Mula sa 20 minuto, magiging 25-minute show na ang top-rating showbiz-oriented program ni Boy Abunda dahil sa mababagong schedule ng mga panghapong palabas ng Kapuso Network na epekto nga ng pamamaalam sa telebisyon ng Tahanang Pinakamasaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mga host ng Tahanang Pinakamasaya, si Chariz Solomon ang unang naglabas ng saloobin tungkol sa kinahinatnan ng noontime show nila.

Read: Chariz Solomon reacts to “Tahanang Pinasara” comment of basher: “Ikakayaman mo yan…”

Samantala, nagpaparamdam na sa ibang personalidad sa telebisyon ang taong malapit sa isang mainstay ng programa para mabigyan agad ito ng proyekto.

Baka mahirapan ang tumutulong sa mainstay na maihanap ito ng kapalit na proyekto dahil may record siyang nagsasara ang mga programang kinabibilangan niya.

Bago pa nabawi nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon ang pamagat na Eat Bulaga! mula sa TAPE Inc., naging bahagi na ng Tahanang Pinakamasaya ang mainstay na aming tinutukoy.

Pero kahit ano ang gawin niya, hindi talaga siya nagmamarka sa publiko, isang senyales na likas mailap sa kanya ang suwerte sa showbiz.

Read: Paolo Contis binalikan sa sinabi niya noong "mahaba pa ang laban"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tahanang Pinakamasaya will officially go off the air on Friday, March 8, 2024.
PHOTO/S: TAPE Inc. Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results