PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miss World 2013 Megan Young, magbabalik bilang host ng Miss World

Pambato ng Pilipinas na si Gwendolyne Fourniol, kailangan ng suporta.
by Jojo Gabinete
Published Mar 6, 2024
megan young gwendolyne fourniol miss world
Miss World 2013 Megan Young (left) will return as host of the 71st Miss World, where Philippine bet Gwendolyne Fourniol (right) is one of the candidates.
PHOTO/S: @meganbata / @gwendolynefourniol on Instagram

Makalipas ang apat na taon, muling magbabalik si Megan Young bilang isa sa mga host ng Miss World.

Ang grand coronation ng 71st edition ng Miss World ay gaganapin sa Jio Convention Centre ng Mumbai, India, sa Marso 9, 2024.

Si Megan ang unang Pilipina na nanalo ng Miss World title sa Bali, Indonesia, noong Setyembre 28, 2013.

Isa si Megan sa mga paboritong Miss World winner ni Julia Morley, ang CEO ng Miss World Organization.

Isa ito sa mga dahilan kaya bukod sa kanyang taglay na talino at kagandahan, siya ang co-host mula 2014 hanggang 2019 ng coronation night ng nasabing beauty pageant.

megan young miss world

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makakasama ni Mega bilang host ng 71st Miss World ang Indian television personality at filmmaker na si Karan Johar.

Guest performers ang popular Indian singers na si Shaan at ang magkapatid na sina Nekka at Tony Kakkar.

Si Tony ang singer at songwriter na lumikha ng Indian love song na nagkaroon ng one billion views sa YouTube.

Malaking karangalan para sa Miss World Organizaton na gumawa ng kanta si Tony para sa coronation night ng Miss World Organization.

Si Karolina Bielawska ng Poland ang reigning Miss World.

Si Gwendolyne Fourniol ang kinatawan ng Pilipinas sa 71st Miss World.

Kailangang-kailangan ni Fourniol ang suporta ng mga Pilipino dahil hindi masyadong maingay ang kanyang pangalan sa international beauty pageant na kanyang nilahukan.

Read: How is Gwendolyne Fourniol faring at the Miss World 2023 pageant?

Hindi pa rin nasusundan ang tagumpay ni Megan sa Miss World buhat nang manalo siya noong 2013.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss World 2013 Megan Young (left) will return as host of the 71st Miss World, where Philippine bet Gwendolyne Fourniol (right) is one of the candidates.
PHOTO/S: @meganbata / @gwendolynefourniol on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results