PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dating aktres at high-profile husband, napawalang-bisa na ang kasal

Dating aktres, masaya at malungkot sa pagtatapos ng kasal nila ng asawa.
by Jojo Gabinete
Published Mar 4, 2024
Blind Item about former actress and high-profile husband
ILLUSTRATION: Igi Talao

Ibinalita ng isang dating aktres sa Cabinet Files na napawalang-bisa na ng korte ang kasal nila ng kanyang “high-profile husband.”

Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ng dating aktres.

Masaya dahil nakawala na siya mula sa asawa na nakapiling niya sa matagal na panahon.

Malungkot dahil, kahit papaano, nanghihinayang siya sa maliligayang araw na kanilang pinagsamahan.

Minabuti ng dating aktres na makipaghiwalay dahil natuklasan niya ang mga “extra-curricular activities” na labag sa batas ng kanyang asawa.

Gusto rin niyang itama ang mga mali sa kanyang buhay.

Ang buong akala ng dating aktres, kilalang-kilala na nito ang ugali ng lalaking kanyang pinakasalan.

Hanggang dumating sa buhay nila ang mabigat na pagsubok na naging mitsa para matuklasan niya ang masakit na katotohanan.

Matagal na panahong pinag-isipan at pinag-aralan ng dating aktres ang pasya niyang hiwalayan ang kanyang asawa.

Nabuo lang ang desisyon niya ngayong taon dahil napansin ng dating aktres na walang pagbabago sa ugali ng kanyang asawa, kahit ibang mundo na ang ginagalawan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At hanggang ngayon, may mga nadidiskubre pa rin ang aktres tungkol sa mga ginawa ng kanyang asawa dahil maraming mga inosenteng tao ang nadamay at naagrabyado.

Sa kabila ng kalayaang tinatamasa sa kasalukuyan, gusto ng dating aktres na maging kaibigan ang ex-husband nito. Pero imposible pa itong mangyari dahil nasaktan ang kanyang mister sa desisyong ginawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results