Malapit nang simulan ang shooting ng bagong proyekto ni Xian Lim bilang direktor.
Kasama ang kanyang team, lumipad sila sa Bangkok, Thailand, para maghanap ng mga lugar na gagamitin nila sa mga eksena.
Hindi pa sinasabi ni Xian ang pamagat ng proyekto at hindi pa tapos ang final casting nila para sa mga artistang magbibida sa kanyang pelikula.
Ito ang follow-up project niya sa Hello, Universe, ang debut directorial job ng aktor sa Viva Films, ang home studio niya.
Ang Hello, Universe ang comedy movie na si Xian din ang sumulat ng kuwento, pinagbidahan ni Janno Gibbs, ipinalabas sa mga sinehan noong Enero 2023, at nagkaroon ng successful run sa Netflix noong Abril 2023.
Read: Janno Gibbs, nagulat sa pagna-number one ng 'Hello, Universe!' sa Netflix
Kasama ni Xian sa Bangkok location hunting si Iris Lee, ang associate producer ng Viva Films na napababalitang ipinalit niya sa kanyang ex-girlfriend na si Kim Chiu.
Read: Xian Lim’s “akbay” photo with film producer Iris Lee goes viral; are they an item?
Noong Biyernes ng gabi, Marso 1, 2024, ibinahagi ni Xian sa kanyang Instagram followers ang mga litrato ng location hunting nila sa Bangkok ng kanyang production team, na posibleng bumuhay sa mga hindi kumpirmadong balita tungkol sa tunay na estado ng relasyon niya kay Iris dahil kasama ito sa mga larawan.
View this post on Instagram
Itinanggi ng isang nakakaalam sa kuwento ang mga sari-saring tsismis na nag-uugnay kina Xian at Iris dahil associate producer ng aktor sa mga proyekto nito ang babaeng pinaghihinalaang girlfriend niya.
Hindi ang proyekto ng Viva Films na kukunan ang mga eksena sa Bangkok ang unang pelikulang magkatrabaho sina Xian at Lee dahil ito rin ang kanyang associate producer sa Hello, Universe.