Laman ng balita nitong mga nakaraang araw ang pagpapakasal sa simbahan ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola sa Coron, Palawan, noong Pebrero 15, 2024.
Read: Luis Manzano and Jessy Mendiola finally fulfill dream church wedding
Pero sa vlog ng may pamagat na "Our Dream Wedding at Mga Kaganapan sa Aming Dreaming," na magkasunod na araw inilabas ng mag-asawa sa YouTube, walang video o larawang nagpapakita sa kanila sa harap ng altar.
Naganap ang unang beses na pag-iisang dibdib nina Luis at Jessy, sa pamamagitan ng civil ceremony, sa The Farm ng San Benito, Lipa City, Batangas, noong Pebrero 21, 2021.
Hindi nakadalo ang mga magulang ni Jessy sa nasabing okasyon.
Read: Surprise!!! Luis Manzano and Jessy Mendiola marry in secret on February 21, 2021
Sa muling pagpapakasal nina Luis at Jessy sa Coron, Palawan, noong Pebrero 15, 2024, tiniyak ng mag-asawa na makararating ang pamilya ng aktres.
Sa bagong upload na video ni Luis sa kanyang YouTube channel, ang mga eksena sa kasal nila ni Jessy sa Club Paradise beach resort at ng kanilang mga bisita ang ibinahagi niya
Dahil dito, marami ang nagtatanong kung totoo bang ikinasal sila sa simbahan.
Kumpirmado ang pag-iisang-dibdib nina Luis at Jessy sa isang simbahan, kung saan si Fr. Tito Calauag ang nagkasal sa kanila.
Ang video nito ang hindi pa nila inilalabas.
"Very intimate" ang pagsasalarawan sa church wedding ng dalawa dahil limitadong-limitado ang mga saksi.
Maaaring ang video nito ang ibahagi nila sa mga susunod na araw.
Kung susumahin, tatlong beses nang nagpakasal sina Luis at Jessy at pinakyaw na nila ang lahat ng uri ng pagpapakasal — mula sa civil wedding, church wedding, hanggang sa beach wedding.