PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

#NoToJeepPhaseOut Tweets by Jade Castro: Linked to Group's Case?

Narito timeline ng mga pangyayari so far.
by Jojo Gabinete
Published Feb 26, 2024
Jade Castro
March 6, 2023, nag-tweet sa X si Jade Castro na nagpapakita ng kanyang suporta sa #NoToJeepPhaseOut. May kinalaman kaya ito sa kasong kinakaharap ngayon ng kanyang grupo?
PHOTO/S: Jade Castro on Facebook; X

Mag-iisang buwan nang nakakulong ang direktor na si Jade Castro at ang mga kasamahan nitong sina Ernesto Orcine, Noel Mariano, at Dominic Ramos.

At bagamat kaliwa't kanan ang panawagang "Free Jade Castro Now!" ng mga naniniwalang inosente si Castro at ang kanyang grupo, nananatiling nakakulong sila.

Kabilang ang mga direktor na miyembro ng Directors Guild of the Philippines Inc. sa umaapela na palayain na sina Jade, pero wala pa ring positibong resulta.

Read: DGPI at iba pang organisasyon, kinondena ang warrantless arrest sa direktor na si Jade Castro

CASTRO'S TWEETS ABOUT JEEPNEY PHASEOUT

May kinalaman kaya ang tweet ni Castro noong March 6, 2023 sa pagkakadakip sa kanila dahil sa diumano'y panununog ng isang modernized jeepney sa Catanauan, Quezon?

Mag-iisang taon na mula nang i-post ni Castro sa social media platform na X ang kanyang mahigpit na pagtutol sa jeepney phaseout.

"Sobrang relevant ng #OrasDePeligro [now showing] tungkol sa martial law tungkol sa jeepney drivers,” ang X post ni Castro na nilagyan niya ng hashtag na #NoToJeepPhaseOut.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jade Castro tweet

Ang Oras de Peligro ay pelikula ni Joel Lamangan na pinangungunahan nina Cherry Pie Picache at Allen Dizon.

Read: Joel Lamangan, palaban sa Oras de Peligro: "Ito'y nagsasabi ng totoo!"

Ipinalabas ang nasabing pelikula sa mga sinehan noong Marso 1, 2023.

Ni-repost din ni Castro ang X tweet noong Marso 5, 2023 ng Free All Oppressed People.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang nakasaad dito ay: "One of the most potent mass actions is about to happen tomorrow. Find ways to support our jeepney drivers tomorrow-I’ll try to compile all the tweets I see with donation details here."

Jade Castro X

TIMELINE: PAGKAKAARESTO SA GRUPO NI CASTRO

Samantala, heto ang timeline ng mga pangyayari.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Enero 31, 2024

Ito ang araw na sinunog diumano ng grupo ang isang modernized jeepney sa Catanauan, Quezon.

Isang CCTV footage ang inilabas ng TV Patrol na nagpapakitang nasa Mulanay road ang kotse nina Jade at ng mga kaibigan bandang 7 p.m., na sinasabing oras kung kelan nangyari ang sunog sa Catanauan.

Isa pang CCTV footage ang ipinakita na bandang 7:25 p.m., ang grupo ay nasa rehearsal para sa local pageant sa Mulanay town plaza, kung saan kasama pa nila ang ilang town officials.

Halos isang oras ang layo ng Mulanay sa Catanauan.

Pero ayon sa PNP, may mga nakalap silang sapat na ebidensiya mula sa testimonya ng mga pasahero at tsuper ng sinunog na sasakyan.

Pebrero 1, 2024

Dinakip ang grupo nang walang arrest warrant ng Catanauan Police ang grupo ni Castro sa Mi Casa Resort sa Barangay Butanyog, Mulanay.

Pebrero 16, 2024

Ayon sa mensahe ni Carmela Peña, isa sa mga abugado ni Castro, sa Rappler, may nakitang probable cause ang prosecution kaya dadalhin na ang reklamo sa korte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-release ng statement ang pamilya ni Castro:

"We were hoping that the prosecutor would dismiss the case and my brother and his friends could go home. But we are still optimistic that when this reaches the court, the judge will clearly see that my brother and his friends are innocent. We hope for continuous support from the public until Direk Jade and his friends are set free.”

Saad naman ng human rights lawyer na si Chel Diokno, isa rin sa mga legal counsel ni Castro, sa post niya sa X (formerly Twitter), ang pag-file ng kaso sa korte ay posibleng magbigay-daan sa paglaya ng grupo—whether temporary freedom sa pamamagitan ng pagbi-bail or kapag na-dismiss ang kaso.

Aniya, “The filing of the case in court also gives Jade and his companions additional safeguards. As the accused in a court of law, they can now assert their right to a fair and speedy trial, to be presumed innocent, and other rights that protect ordinary people like Jade from vexatious and arbitrary prosecution. We will do whatever it takes within the law to set them free."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pebrero 19, 2024

Sa pangunguna ng aktor at House Representative Dan Fernandez, nagsagawa ng pagdinig ang Committee on Public Order and Safety tungkol sa warrantless arrest sa mga akusado.

Sa naturang pagdinig, inilahad nina Police Senior Master Sergeant Jonjon Pordan and Police Captain Daniel dela Cruz ng Catanauan na wala silang nakalap na pisikal na ebidensiya mula sa pinangyarihan ng insidente na mag-uugnay sa mga nasasakdal sa krimen.

Sinabi ni Pordan na inaresto nila ang mga akusado base sa mga pahayag ng mga saksi.

Samantala, nanindigan ang mga akusado na inosente sila sa mabigat na paratang.

Ilan sa mga notable works ni Jade Castro ay ang Endo (2007), kung saan kasama niya na jury pize winner sa 3rd Cinemalaya Independent Film Festival; Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington (2013), na isinulat at idinirek niya kasama sina Raymond Lee and Michiko Yamamoto; My Lady Boss (2013), na pinagidahan nina Richard Gutierrez at Marian Rivera; LSS (Last Song Syndrome) (2019), na pinagbidahan nina Khalil Ramos at Gabbi Garcia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
March 6, 2023, nag-tweet sa X si Jade Castro na nagpapakita ng kanyang suporta sa #NoToJeepPhaseOut. May kinalaman kaya ito sa kasong kinakaharap ngayon ng kanyang grupo?
PHOTO/S: Jade Castro on Facebook; X
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results