PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lilet Matias: Attorney, Inspired by Woo

Cast and crew ng Lilet Matias, nag-immersion sa totoong korte.
by Jojo Gabinete
Published Feb 24, 2024
Adolf Felix Jr. and Jo Berry at the presscon for Lilet Matias: Attorney-at-Law
Director Adolf Alix Jr. (L) denies allegations that Lilet Matias: Attorney-at-Law, headlined by Jo Berry, is inspired by the K-drama Extraordinary Attorney Woo.
PHOTO/S: PR

Itinanggi ng direktor na si Adolf Alix Jr. na ang K-drama na Extraordinary Attorney Woo ang inspirasyon ng Lilet Matias: Attorney-at-Law, ang afternoon drama series ng GMA-7 na mapapanood simula sa Marso 4, 2024.

Read: Direk Adolf Alix Jr. prefers working with veteran stars

Si Adolf ang direktor ng teleserye na pinagbibidahan ni Jo Berry.

“Hindi po. I think JMee Katanyag’s concept is based on an actual little person na lawyer,” ang kanyang sagot nang tanungin siya ng Cabinet Files tungkol sa mga espekulasyon na ang Extraordinary Attorney Woo ang pinagbasehan ng kuwento ng bagong proyekto niya sa Kapuso Network.

Pinangunahan ni Park Eun-bin ang phenomenal South Korean television drama, kung saan gumanap siya bilang autistic lawyer na may high IQ na 164.

Masugid itong sinubaybayan ng mga Pilipino nang ipalabas sa Netflix noong 2022.

preparing for lilet matias

Samantala, ang Lilet Matias ang ikatlong teleserye na pinagbibidahan ni Jo, buhat nang mag-umpisa ang acting career niya noong 2016.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Madali namang mahulaan kung bakit Lilet ang pangalan na ibinigay sa kanyang karakter.

Bago para kay Jo ang maging isang abogado kaya pinaghandaan niyang mabuti ito sa pamamagitan ng pagpunta sa korte at panonood ng aktuwal na pagdinig sa mga kaso.

Kuwento ni Jo, “Nag-immersion po kami. Nag-attend kami ng totoong hearing with the production team and Direk Adolf para maranasan po namin kung paano talaga ang mga nangyayari sa korte.

“Pinapanood kami ng maraming series with guidance. Ang writers po namin, gina-guide din ng lawyers.”

Para makatiyak na tama ang mga eksena na ginagawa ng mga artista ng Lilet Matias sa loob ng korte, may mga abogado na nakatutok habang nagaganap ang taping.

Dagdag ni Jo, “Meron kaming attorney every time na may eksena kami sa court para mapangalagaan yung bawat words, ma-sure na tama.

"Maingat nga po dahil nangyayari sa totoong buhay, so ayaw naming maka-offend.”

Si Jason Abalos ang leading man ni Jo sa Lilet Matias, at napansin ni Adolf ang mga pagbabago sa kanya bilang aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jason Abalos, papayagan ang misis na si Vickie Rushton na sumali sa Miss Universe Philippines

“Jason has matured greatly. Mas tutok sa trabaho, and you see him collaborating with co-actors and sa akin on how to best execute the scenes,” ang pahayag ni Adolf tungkol sa kapareha ni Jo sa Lilet Matias.

Kinunan ang ilang eksena ng Lilet Matias sa korte ng Manila City Hall at ito ang dahilan kaya pinili ng GMA-7 na idaos sa naturang lugar ang media conference na mangyayari ngayong Sabado ng hapon, Pebrero 24, 2024.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Adolf Alix Jr. (L) denies allegations that Lilet Matias: Attorney-at-Law, headlined by Jo Berry, is inspired by the K-drama Extraordinary Attorney Woo.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results