Gumawa ng kasaysayan ang Philippine Pop Royalty na si Sarah Geronimo dahil kabilang siya sa mga paparangalan sa Billboard Women in Music Awards na magaganap sa Marso 6, 2024, sa YouTube Theater, California, USA.
Read:
Singer Tyla reacts to Sarah Geronimo's "Water" performance
8 highlights of Sarah Geronimo's 20th anniversary concert
Global Force Award ang igagawad kay Sarah sa pagtitipon na idaraos sa Buwan ng mga Kababaihan, na ipagdiriwang mula Marso 1 hanggang Marso 31, 2024.
Read:
All the details of Anne Curtis's bejeweled OOTD at Taylor Swift's Eras Tour in Australia
Anne Curtis on fangirling at Taylor Swift concert: "Pasensya sa voice ko. Wa-poise..."
Nag-umpisa noong 2007 ang Billboard Women in Music Awards at kabilang sina Madonna, Beyonce, Taylor Swift, Lady Gaga, Selena Gomez, at Katy Perry sa mga pinarangalan ng Woman of the Year.
Ang Global Force Award ang bagong parangal na inilunsad ng Billboard Women in Music Awards ngayong 2024.
Si Sarah ang kauna-unahang Pilipina na tatanggap nito.
Global Force Award din ang ipagkakaloob sa Brazilian singer na si Luísa Sonza at kay Annalisa ng Italy.
Bukod kay Sarah, paparangalan at bibigyang-pugay din sa Billboard Women in Music Awards ang mga mang-aawit na babae mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Sila ay sina:
Karol G, Colombia- Woman of the Year
Kylie Minogue, Australia- Icon Award
Maren Morris, USA- Visionary Award
Charlie XCX, England- Powerhouse Award
Tems, Nigeria- Breakthrough Award Young
Miko, Puerto Rico-Impact Award
Si Tracee Ellis Ross ang host ng Billboard Women in Music Awards, at tiniyak ni Billboard editorial director Hannah Karp na isang hindi malilimutan na gabi ang parangal na idaraos sa Marso 6.