PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios on homecoming in Nicaragua

Sheynnis, mauuna pang dalawin ang kalapit-bansa ng Nicaragua na Costa Rica.
by Jojo Gabinete
Published Feb 23, 2024
sheynnis palacios pep
Three months after winning Miss Universe 2023, Sheynnis Palacios has yet to return to Nicaragua for her homecoming parade because of political issues.
PHOTO/S: @missuniverse on Instagram

Tatlong buwan na ang nakararaan mula nang koronahan si Sheynnis Palacios ng Nicaragua bilang Miss Universe 2023.

Pero hindi pa siya nakababalik sa sariling bansa para sa kanyang homecoming parade dahil sa mga mabibigat na usaping may kinalaman sa politika.

Ipinagbunyi ng mga kababayan niya ang tagumpay ni Sheynnis sa 72nd Miss Universe, na ginanap sa San Salvador, El Salvador, noong Nobyembre 18, 2023.

Pero hindi ito ikinatuwa ng pamahalaan ni Daniel Ortega, ang presidente ng Nicaragua, dahil sa paratang na anti-government ang beauty queen na sumali sa isang anti-government rally noong 2018.

Read: Pagkapanalo ni Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios, nagbulgar sa political issues sa Nicaragua

Mauuna pang bisitahin ni Sheynnis ang Costa Rica, na kalapit-bansa ng Nicaragua, kesa sa sariling bayan nito.

Nakatakda ang pagdating ni Sheynnis sa Costa Rica sa Pebrero 27, 2024, para ilunsad ang mga pagbabagong mangyayari sa Miss Universe Organization.

Magkakaroon din siya ng partisipasyon sa Miss Costa Rica Organization na nasa ilalim ng pamamalakad ng OPA Television, ang may hawak ng Miss Universe franchise sa nabanggit na bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ng OPA na itinuturing na isang importanteng okasyon ang pagdalaw ni Sheynnis sa Costa Rica, lalo na sa Nicaraguan community na naniniwalang simbolo ng demokrasya ang beauty queen dahil sa tagumpay nito sa Miss Universe 2023.

Read: Sheynnis Palacios on Miss Universe 2023 win: “It's history for my country.”

Pinakahihintay ang pagdating ni Sheynnis sa Costa Rica matapos ang mga aksiyong ginawa ni Ortega sa grupo ng Miss Nicaragua Organization, tulad ng hindi niya pagpayag makapasok muli sa Nicaragua si Karen Celebertti noong Disyembre 2023.

Si Celebertti ang Miss Nicaragua director na inakusahan ni Ortega ng conspiracy laban sa Nicaragua at sa kanyang pamahalaan dahil sumali rin si Celebretti sa anti-government rally noong 2018.

Isa lamang si Celebertti sa maraming mga Nicaraguan na ipinatapon ni Ortega sa ibang bansa. Ang iba sa kanila ay naninirahan sa Costa Rica.

Noong Disyembre 2023, dinakip at ikinulong ng Nicaraguan police ang mga Catholic Church priest na pinaghihinalaang kumakalaban sa diktadurang pamamalakad ni Ortega.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Three months after winning Miss Universe 2023, Sheynnis Palacios has yet to return to Nicaragua for her homecoming parade because of political issues.
PHOTO/S: @missuniverse on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results