Dalawang beses sumali si Vickie Rushton sa Binibining Pilipinas, noong 2018 at 2019.
First runner-up si Vickie sa Binibining Pilipinas 2018.
Nang sumunod na taon, 2019, muling lumahok si Vickie sa 56th Binibining Pilipinas, pero hindi na siya pinalad magkaroon ng posisyon o titulo.
Read: Vickie Rushton blames herself for Q&A blunder in Bb. Pilipinas
Dalawampu’t pitong taon si Vickie nang huli siyang lumahok sa Binibining Pilipinas.
Dahil may limitasyon pa noon ang edad ng mga kandidata, nagwakas na ang kanyang pangarap maging beauty queen matapos manalong Mutya ng Pilipinas International noong 2011.
Kasal na si Vickie sa aktor na si Jason Abalos at meron na silang anak, pero puwedeng-puwede na siyang sumali sa Miss Universe Philippines dahil inalis na ng Miss Universe Organization age limit at payagan na pasalihin ang mga kababaihang may asawa na at mga anak.
Read: Jason Abalos and Vickie Rushton are now married
Kahapon, Pebrero 21, 2024, bumisita si Jason sa Fast Talk with Boy Abunda kasama ang Lilet Matias: Attorney-at-Law co-star na si Jo Berry,
Isa sa mga tinanong kay Jason ay kung papayagan ba niyang muling sumali si Vickie sa Miss Universe Philippines dahil wala nang age restriction ang nabanggit na patimpalak.
“Oo naman!” walang kagatul-gatol na sagot ni Jason sa tanong ni Boy Abunda.
“Lagi naman ganoon, laging kung ano yung gusto mong gawin, gawin mo.
"Kasi hindi naman laging tayo magkasama. May trabaho ako so minsan maiinip ka rin sa buhay,” sabi pa ni Jason, na naglilingkod sa kasalukuyan bilang board member ng ikalawang distrito ng lalawigan ng Nueva Ecija.
Ikinuwento ni Jason na masaya ngayon si Vickie bilang ina ng kanilang anak na si Knoa, na naghatid ng malaking pagbabago sa buhay nila.
Read: Vickie Rushton and Jason Abalos's son Knoa charms in latest photos
Saad niya, “Sobrang nag-e-enjoy [si Vickie] sa pagiging nanay. Sobrang-sobra.
“Madami po [nagbago] kasi dami kong ginagawa dati, ngayon wala na. Actually, buhat ko yung bata araw-araw.
“Akala ko, okay na okay na ako nung ikinasal kami. Pero noong lumabas yung bata, parang nakumpleto ang buhay ko.”
Sinabi rin ni Jason na pinangangalagaan niyang mabuti ang sarili alang-alang sa kanyang pamilya.
“Gusto ko talagang makitang maayos yung anak ko, yung mga magiging anak ko.
"So, sabi ko, kailangan kong paghandaan. Kailangan kong maging malakas para makita kung ano ang magiging direksiyon nila sa buhay."
Trivia: Nagsimula ang showbiz career ni Jason nang sumali siya sa Star Circle National Teen Quest, ang talent search competition ng ABS-CBN noong 2004.
Read: Star Circle Quest alumni, nag-reunion sa kasal ni Raphael Martinez; Jason Abalos, next in line
Isa si Boy sa mga hurado ng Star Circle National Teen Quest.
Sa guesting ni Jason sa Fast Talk, ibinahagi niya sa national television ang kabutihang ipinakita noon sa kanya ni Boy.
“Ikukuwento ko lang po, kailangang malaman ng buong tao kung gaano kabait si Tito Boy.
“Na-out ako sa isang show, nagbigay siya ng isang tseke sa akin.
"Sabi niya, ‘Anak, ibigay mo sa nanay mo kapag umuwi ka sa inyo para meron kang pasalubong.’
“Ganoon po kabait si Kuya Boy.”
Hiyang-hiya si Boy dahil hindi nito inaasahang maaalaala at sasabihin ni Jason sa publiko ang kabutihang kanyang ginawa noon pero nakalimutan na niya dahil dalawang dekada na ang nakalilipas.