Dumalo ang Sparkle artist na si Kimson Tan sa press conference at red-carpet premiere ng King of Hawkers, na magkasunod na ginanap sa Marina Bay Sands at Vivo City Cinema sa Singapore noong Martes, Pebrero 20, 2024.
Ang King of Hawkers ang debut movie ni Kimson, na kasama ang kanyang manager, ang VP Global CEO na si Charlie Dy, sa red-carpet premiere.
Read: Kimson Tan's foreign movie project, King of Hawkers, premieres February 2024
Masuwerte si Kimson bilang isang baguhan dahil international project ang kanyang unang film assignment na ipalalabas sa mga sinehan sa Singapore at Malaysia simula sa Pebrero 22, 2024.
Binigyan ng pagpapahalaga si Kimson sa pelikula dahil kasama ang larawan niya sa poster ng King of Hawkers na tungkol sa buhay ng mga naglalako ng mga pagkain sa Singapore.
Mula ito sa direksiyon ng award-winning Singaporean director na si Kelvin Sng.

Singaporean na apo ng isang may-ari ng stall ang karakter na ginagampanan ni Kim sa King of Hawkers.
Nakuha ng Kapuso artist ang kanyang role nang makapasa siya sa audition na ipinatawag ni Sng, na producer din ng nasabing proyekto.
Hindi nahirapan si Kimson sa papel niya sa King of Hawkers dahil bilang Filipino-Chinese sa tunay na buhay, marunong at matatas siya sa pagsasalita ng Mandarin at Fookien.
Co-stars ni Kimson sa pelikula ang veteran actor na si Hugo Ng, ang popular Singaporean actress na si Dawn Yeoh, ang Hong Kong actor na si Moses Cheng, at si Gini Chang ng Macau.
Ang partisipasyon ni Kimson Tan sa King of Hawkers ang hudyat ng "promising journey" sa Southeast Asia ng mga artista mula sa Pilipinas.
Read: Kimson Tan shocked over 1M 'dinner' proposal
Isang hindi makalilimutang karanasan para kay Kimson ang maging bahagi ng isang pelikulang maipagmamalaki kaya pinasalamatan niya ang lahat ng mga taong sumusuporta sa kanyang budding acting career.
Mensahe niya, “To everyone who has been a part of this incredible journey, words cannot express my gratitude. From the bottom of my heart, thank you for believing in me, supporting me, and making this dream of mine a reality.
“To my amazing managers and management teams at VP Global Management, GMA Sparkle Artist Management, and AOR Global, your guidance and support have been invaluable.
"King of Hawkers hitting the screens in Singapore and Malaysia is beyond anything I could have imagined.
“I am deeply grateful for each and every one of you who has been by my side since day one. Here's to the magic of cinema and to many more adventures ahead!”