PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

3 Actors' Contracts Not Renewed by Agency

Puwede na silang magsimulang maghanap ng bagong talent manager...
by Jojo Gabinete
Published Feb 19, 2024
blind item three actors
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

Tatlong artistang hindi nagkakalayo ang mga edad at matagal nang mga contract star ng isang talent management agency ang nahaharap sa malaking problema.

Hindi na sila papipirmahin ng mga bagong kontrata.

Mga isyu ng unprofessionalism at pagiging pasaway sa trabaho ang dalawa sa mga dahilan kaya palalayain na ng talent management company ang kanilang mga contract artist na binigyan nila ng malaking oportunidad sa showbiz.

"Saan na sila dadamputin?" at "Ano na ang mangyayari sa kanilang mga showbiz career?" ang tanong ng mga nagmamalasakit at nalulungkot sa kapalaran ng tatlong artista.

Maraming beses na silang binigyan ng pagkakataon pero hindi nila pinahalagahan ang tiwalang ipinagkaloob sa kanila.

Imposibleng hindi magkaroon ng epekto sa tatlo ang dagok na dumating sa showbiz careers nila dahil ito ang kanilang nakasanayang trabaho sa matagal na panahon.

Dahil sa showbiz career ng tatlo, natikman nila ang fame at fortune.

Higit sa lahat, naghatid ng kaginhawahan ang show business, hindi lamang sa kanila kundi pati na rin sa pamilya nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkasama ang dalawang artista sa isang drama series. Ito na ang huling proyektong gagawin nila para sa isang TV network dahil wala nang contract renewal na magaganap.

Puwede na silang magsimulang maghanap ng bagong talent agency o talent manager na handang sumugal sa kanila.

Nakaririwasa naman sa buhay ang isa sa tatlong artista na hindi na bibigyan ng bagong kontrata. May kakayahan siyang makaraos sa araw-araw na pamumuhay kahit walang pinagkakakitaan mula sa showbiz.

Pero siguradong hahanap-hanapin niya ang pag-arte sa harap ng kamera dahil passionate actor siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results