Kaldag King at hindi na Anak ni Totoy Mola ang pamagat ng launching movie ng Vivamax actor na si Benz Sangalang.
Read: Vivamax actor Benz Sangalang magbibida sa sequel ng Totoy Mola
Tiniyak ni Benz sa Cabinet Files na mag-uumpisa ang shooting niya para sa Kaldag King bago matapos ang Pebrero 2024.
Pero hindi na kasama sa cast si Jay Manalo, ang gumanap na Totoy Mola sa pelikulang ipinalabas sa mga sinehan noong Enero 1, 1997.
Sinabi ni Benz na pinalitan ang titulo ng kanyang launching movie dahil wala nang partisipasyon si Jay.
“Sampu po ang leading ladies ko sa Kaldag King — sina AJ Raval, Angeli Khang, Azi Acosta, at ibang mga star ng Vivamax,” sabi ni Benz.
Sabik na sabik na si Benz magsimula ng shooting para sa kanyang title-role movie.
Tinanggihan daw niya ang mga suhestiyon na gumamit siya ng prosthetic genitalia sa kanyang mga eksena.
“Nakakatawa raw yung movie. Gagamit daw ako ng prosthetic penis na diyes ang size.
"Gusto nila matinding-matindi pero ayoko. Hindi ko na kailangan gumamit ng prosthetic,” may pagmamalaking katuwiran ni Benz.
Read: Pinoy Hubaderos 2023: Mga aktor na nagpakita at nagpasilip sa pelikula, pictorial, at social media
Sa Totoy Mola, si Sabrina M. ang isa sa mga kapareha ni Jay.
Ayon kay Benz, kasama sa planong kunin ang serbisyo ng dating sexy actress para gumanap na nanay niya sa kanyang launching movie.
Nabanggit din ang pangalan ni Aya Medel na may partisipasyon noon sa Totoy Mola. Tahimik nang namumuhay si Aya at ayaw na nito na balikan ang showbiz kaya malabo ang posibilidad na tanggapin niya ang Kaldag King.
May alok kay Benz na BL movie pero hindi tinanggap ng mga nagpapalakad sa kanyang showbiz career ang proyektong pamamahalaan ng isang mahusay na direktor.
“Ako yung ni-request pero tinanggihan ni Boss yung project. Gusto niyang mag-focus ako sa story na malaki ang role,” kuwento ni Benz, na hindi gaanong nakaramdam ng panghihinayang dahil bida na nga siya sa Kaldag King.