PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Rex nagka-star aura matapos manalo sa The Clash 2023

Debut single ni John Rex ir-release na sa digital platforms.
by Jojo Gabinete
Published Feb 15, 2024
john rex ai-ai delas alas
The Clash 2023 winner John Rex is the special guest of Ai-Ai delas Alas in her Valentine concert at Casino Filipino, Angeles City, Pampanga, on February 14, 2023.
PHOTO/S: @johnexy_ofcl on Instagram / Facebook

May star aura na ang The Clash 2023 grand champion na si John Rex.

Napansin ito ng manonood nang magtanghal sila ni Ai-Ai delas Alas sa Ai Luv…U, ang Valentine’s Day show ng Comedy Concert Queen sa Casino Filipino, Angeles City, Pampanga, noong Miyerkules, Pebrero 14, 2024.

Read: Rex Baculfo, itinadhana ang pagkapanalo sa The Clash 2023

Bukod sa pagkakaroon ng star aura, nadagdagan ang kumpiyansa ni John Rex sa sarili.

Nagpapasalamat siya nang husto kay Ai-Ai dahil ito ang pumili sa kanya para maging special guest sa Ai Luv…U.

“Ito po ang first time na nakasama ko si Miss Ai sa isang concert, pagkatapos kong manalo sa The Clash 2023,” kuwento ni John Rex.

John Rex Baculfo ang ginamit niyang pangalan nang sumali siya sa singing competition ng GMA-7 noong nakaraang taon.

Lalong gumanda ang timbre ng boses niyang nahasa nang husto mula nang maging mainstay siya ng All Out Sundays, ang Sunday noontime musical-variety program ng Kapuso Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na nagkaroon ng pagkakataon si John Rex na makita at makausap si Ai-Ai dahil lumipad na ang comedienne sa Amerika matapos maganap ang grand finals ng The Clash 2023.

“Yung pinaka-last day ng The Clash, yun po ang pinaka-flight ninyo sa U.S. Umalis agad po kayo,” sabi ni John Rex kay Ai-Ai.

Tuwang-tuwa si John Rex dahil naisip ng Comedy Concert Queen na isama siya sa mga show nito.

Hindi lamang ang malaking oportunidad na ipinagkaloob sa kanya ni Ai-Ai ang ipinagpapasalamat ni John Rex.

Bukas, Pebrero 16, lalabas na sa lahat ng digital platforms worldwide ang kanyang debut single sa GMA Music, ang "Someday In Your Life."

Tungkol sa paghihintay sa pagdating ng tamang panahon at ng tamang tao sa buhay ng bawat isa ang mensahe ng "Someday In Your Life," na iniaalay ni John Rex sa kanyang pamilya, lalo na sa mga magulang niya.

“I wouldn’t be where I am today without the love and encouragement of my family, especially my parents, who have been my biggest inspiration,” sabi ni John Rex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Anthony Rosaldo, sinagot kung bakit wala pang sumisikat nang todo mula sa The Clash ng GMA-7

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Clash 2023 winner John Rex is the special guest of Ai-Ai delas Alas in her Valentine concert at Casino Filipino, Angeles City, Pampanga, on February 14, 2023.
PHOTO/S: @johnexy_ofcl on Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results