“Kung ako po, papayagan ko. Pero nabanggit niya hindi na,” sagot ng PBA player-actor na si Ricci Rivero nang tanungin tungkol sa posibilidad na muling pagsali sa beauty pageant ng kanyang girlfriend, si Los Baños Municipal Councilor Leren Mae Bautista.
View this post on Instagram
Nung nakaraang taon, inanunsiyo ng Miss Universe Organization (MUO) na wala nang age requirement para makasali sa kanilang pageant at sa lahat ng may prangkisa ng Miss Universe sa buong mundo.
Read: Miss Universe scraps age restrictions; women of all ages can now join the prestigious pageant
Ang Mutya ng Pilipinas Asia Pacific International 2015 at Binibining Pilipinas Globe 2019 ang dalawa beauty titles na hawak ni Leren.
View this post on Instagram
Puwedeng-puwede pa rin siyang sumali sa Miss Universe Philippines, tulad ng ginawa nina Kris Tiffany Janson at Christi Lynn McGarry, beauty title-holders ng Bb.Pilipinas noong 2014 at 2015, respectively.
Kabilang sila sa opisyal listahan ng mga kandidata sa kasalukuyang Miss Universe Philippines 2024 pageant.
Nakausap si Ricci ng entertainment press sa10th anniversary celebration ng VP Global Artist and Talent Management noong Sabado, Pebrero 10, 2024 at kabilang sa mga napag-usapan ang unos na kanyang matagumpay na nalampasan.
Hindi naging maramot si Ricci sa pagsagot sa mga katanungan ng entertainment press.
Lalo na ngayong nalampasan na niya ang kontrobersyal na isyu na kinasangkutan na naging dahilan para mas tumibay ang relasyon niya sa kanyang pamilya at kay Leren.
“Mas naging close especially during the issue kasi siyempre, sila yung kasama ko, nakakausap ko and tumulong talaga.
"Kami-kami rin naman yung nagtulungan at nagpakatatag,” sabi ni Ricci na buung-buo ang suporta na tinanggap mula sa kanyang pamilya.
“Yung family ko po yung una kong pinasalamatan. Sila yung core talaga ng buhay namin.
“Kami kasi, growing up, yun talaga ang in-instill ng parents ko sa amin na kahit anong mangyari, family over everything, over anything.
"Kasi yung family natin, kahit anong mangyari, kahit anong gawin natin sa kanila, may kasabihan, babalikan natin yan.
“Mag-away man tayo for awhile, after a while, okey na kayo. Family mo pa rin sila. Pero yung iba, puwedeng mawala at some point. But yung family will always be there.”
Naranasan noon ni Ricci na maging biktima ng online bashing na nahinto nang manahimik siya at hinayaang ang publiko mismo ang maghusga kung sino ang talagang nagsasabi ng katotohanan.
Natawa si Ricci sa pabirong tanong kung naglalaba na siya. Pabiro ring sumagot si Ricci na indikasyon na tinatawanan na lamang niya ang mga paratang laban sa kanya.
“Hindi ko talaga getz kung saan nanggaling actually iyon. Pero since naman na-brand na rin naman ako, wala na akong magagawa. Sila naman yung maniniwala, yun at yun pa rin naman di ba?”
May alok na ba na endorsements? “Wala pa naman, inaantay ko nga yung mga Tide, di ba? Kung anuman, washing machine,” nagbibirong sagot ni Ricci na ikinagalak ng kanyang mga kausap na miyembro ng entertainment press.