PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pops Fernandez, may maling akala sa kanyang concert

Napaluha si Pops sa pagkanta ng "Little Star" at "Dito."
by Jojo Gabinete
Published Feb 10, 2024
Pops Fernandez
“There was a time I thought tapos na po ako sa concert. Parang hindi ko na kaya or baka madami na nga ang pumalit," sabi ni Pops Fernandez sa mga nanood sa unang gabi ng kanyang concert na 'Always Loved.'
PHOTO/S: Viva Artists Agency

Isang malaking party at hindi basta concert ang unang gabi ng Always Loved, ang 40-plus anniversary concert ni Pops Fernandez na ginanap noong Biyernes, Pebrero 9, 2024, sa The Theatre ng Solaire Resort and Casino sa Parañaque City.

Read: Pops Fernandez, "grateful" sa paghihiwalay nila ni Martin Nievera

Isang sulit na sulit na panoorin ang Always Loved dahil sa lobby pa lang ng The Theatre, makikita agad ang well-preserved gowns at costumes na ginamit ni Pops sa kanyang mga nakaraan na concert.

Pops Fernandez costumes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pops Fernandez costumes

Muling pinatunayan ni Pops na siya ang "Concert Queen" ng Pilipinas dahil sa mahusay na pagtatanghal sa loob ng mahigit sa dalawang oras.

Mula umpisa hanggang matapos ang concert, hindi kinakitaan ng pagkapagod si Pops na physically fit kaya kapani-paniwala ang kanyang biro na 28 years old lamang siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos ng opening number niya, ipinagtapat ni Pops na “There was a time I thought tapos na po ako sa concert. Parang hindi ko na kaya or baka madami na nga ang pumalit.

“Kaya lang, sabi ko, I’m celebrating my forty-plus years that has to be celebrated somehow and thank you for celebrating with me.”

Nagkamali ng akala si Pops dahil sa unang gabi ng Always Loved, nakita ng manonood na irreplaceable siya bilang Concert Queen ng bansa at pruweba ang mga papuri sa kanyang pagtatanghal.

Sina Erik Santos, Randy Santiago, Martin Nievera, at si Joey Albert na umuwi pa mula sa Canada para sa Always Loved ang special guests ni Pops.

Napaluha naman si Pops nang kantahin nito ang "Little Star" at "Dito" na inialay niya sa kanyang ama na si Eddie Fernandez at kapatid na si Edwin na parehong namayapa na.

Hindi namalayan na mahigit sa dalawang oras ang show dahil ganadung-ganado sa pagsasayaw at pagsabay sa mga kanta ni Pops ang The Theatre audience.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Inaasahang ganito rin ang mangyayari sa second night ng concert ngayong Sabado , Pebrero 10, 2024.

At dahil sa mga papuri, hindi imposible na magkaroon ng repeat ang anniversary concert ni Pops na hindi talaga dapat palampasin.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“There was a time I thought tapos na po ako sa concert. Parang hindi ko na kaya or baka madami na nga ang pumalit," sabi ni Pops Fernandez sa mga nanood sa unang gabi ng kanyang concert na 'Always Loved.'
PHOTO/S: Viva Artists Agency
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results