PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Alonzo Debunks Breakup Rumors with Dominic Roque

Bea hindi pa naglalabas ng pahayag tungkol sa breakup nila ni Dominic.
by Jojo Gabinete
Published Feb 7, 2024
bea alonzo fake quote
Maraming netizens ang napaniwala sa kumalat na pekeng mensahe ni Bea Alonzo tungkol sa breakup nila ni Dominic Roque.
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram / Facebook

Biktima si Bea Alonzo ng fake news peddlers na aligaga sa pagkakalat ng mga walang katotohanang balita tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang fiancé na si Dominic Roque.

Read: Confirmed: Bea Alonzo and Dominic Roque break up; call off engagement

Mas agresibo ngayon ang fake news peddlers dahil nagagawa nilang lehitimo at verified ang mga pekeng Instagram account sa pamamagitan ng paglalagay ng blue tick na kanilang inimbento.

Dahil mainit na pinag-uusapan ang hindi na matutuloy na pagpapakasal nina Bea at Dominic, isang fake news peddler ang gumawa ng fake Instagram account ng aktres na may nakasulat na ganito:

“I’m really sorry Dom, na-realize ko hindi pala ako ready.

"I’m sorry kung may prenuptial agreement tayo. Alam ko medyo na-off ka dun, I’m just protecting kung anu-ano yung mga pinaghirapan ko.

“You will always have a special place in my heart, where memories and feelings for you will stay forever.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I’ll pray na mahanap mo yung talagang para sa yo. Hindi ko lang talaga makita yung sarili ko na masaya at tatanda kasama ka.

"Sana maging masaya ka kahit hindi na ako. Salamat sa lahat.”

bea alonzo fake post

Kung likas na tsismosa ang makababasa sa fake Instagram post ng nagpanggap na Bea, siguradong maniniwala agad sila dahil higit na importante sa kanilang mga katawang lupa ang mabusog sa mga showbiz controversy kaya mahalaga na maging maingat at mapagmasid ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maraming paraan para matukoy kung totoo o hindi ang mga social media post ng mga artista dahil napakadaling tingnan ang kanilang legitimate Instagram o Facebook pages.

Sa panahon ng modernong teknolohiya, nabawasan na ang mga dahilan para maging mangmang at tanga dahil halos lahat ng tao ay may mga hawak na cellphone at aktibo sa social media.

Read: Balitang break na sina Bea Alonzo at Dominic Roque, mismong sa kampo ng aktor nanggaling?

At kung talagang kilala si Bea ng mga hayok sa showbiz intrigues at controversies, alam nilang hindi siya ang tipong magpapadalus-dalos sa paglalabas ng pahayag tungkol sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Dominic.

Pero kapwa tahimik pa ang dalawa tungkol sa mga isyung kanilang kinasasangkutan kaya aktibong-aktibo ang fake news peddlers na isa lamang ang motibo — ang pagkakitaan ang kasalukuyang sitwasyon nina Bea at Dominic.

Kung hindi man mapigilan, makokontrol nina Bea at Dominic ang pagkalat ng fake news sa pamamagitan ng paglalabas ng opisyal na pahayag tulad nang ginawa nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at nina Kim Chiu Xian Lim nang magpasya ang apat na wakasan ang kani-kanilang mga relasyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

After aall, sila ang mga tunay na nakakaalam sa katotohanan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maraming netizens ang napaniwala sa kumalat na pekeng mensahe ni Bea Alonzo tungkol sa breakup nila ni Dominic Roque.
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results