Walang kasalang magaganap sa pagitan nina Bea Alonzo at Dominic Roque sa 2024 ang ulat na inihatid ni Boy Abunda sa manonood ng Fast Talk With Boy Abunda noong Martes, Pebrero 6, 2024.
Read: Confirmed: Bea Alonzo and Dominic Roque break up; call off engagement
Maingay na pinag-uusapan ang balitang ito dahil ang akala ng lahat, hahantong sa pag-iisang-dibdib ang well-publicized engagement nila na nangyari sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City, noong Hulyo 18, 2023.
Read: Dominic Roque to Bea Alonzo: “I want to spend my whole life with you, forever.”
Parang apoy na nagpasiklab sa kontrobersiya ang diumano’y pagbabalik ni Bea kay Dominic sa kanilang engagement ring.
Lalo pa itong uminit dahil sa mga cryptic post sa social media ng mga taong malalapit sa kanila, kabilang ang road manager ng aktres na si Nina Ferrer at ang kapatid ni Dominic na si Lhean Roque.
Si Nina ang tumulong kay Dominic sa pagpaplano ng wedding proposal nito kay Bea. Pero hindi maipagkakailang may mga nangyari kaya hindi pabor sa aktor ang kanyang social media cryptic post tungkol sa diumano’y “manipulative sad boi.”
Read: Who is Bea Alonzo's road manager alluding to in cryptic post about "manipulative sad boi"?
May cryptic post naman si Lhean tungkol sa wolf in a sheep's clothing na tumutukoy sa taong nagpapanggap lamang na mabait ngunit mabangis pala.
Read: Dominic Roque's brother alludes to wolf in sheep's clothing amid BeaDom breakup
Mula nang lumitaw ang mga suspetsang may problema sa relasyon nina Bea at Dominic, lumitaw ang maraming isyung maituturing na mga red flag at puwedeng maging dahilan para hindi nga matuloy ang pagpapakasal ng dalawa.
Ang kampo ni Dominic ang inaakusahang pinagmulan ng balitang hiwalay na sila ni Bea.
Nakadagdag din sa mga wild speculation ng mga taong sumusubaybay sa kuwento ng relasyon nila ni Bea ang deactivated comments sa mga Instagram post ni Dominic.
Kahit sinabi ni Boy na pilit isinasalba ni Bea ang relasyon nila ni Dominic, mahihirapan ang aktres dahil nagsanga-sanga na ang mga isyu at nakisawsaw na ang halos buong Pilipinas kaya lalong dumami ang lamat sa relasyon nila ng lalakeng pinili niyang makapiling sa habambuhay.
Masakit para kina Bea at Dominic ang mga kaganapan, pero mabuti nang nangyari ito habang hindi pa sila kasal para maiwasan nila ang kinahinatnan ng relasyon nina Carla Abellana at Tom Rodriguez.
Nagpakasal sa simbahan sina Carla at Tom noong Oktubre 23, 2021. Pero naghiwalay sila makalipas lamang ng tatlong buwang pagsasama na masyadong nagpahirap sa kanilang mga kalooban.
Read: Tom Rodriguez at Carla Abellana, hiwalay na tatlong buwan lamang pagkatapos ikasal
Umalis ng Pilipinas at bumalik si Tom sa Amerika noong March 2022.
Sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag noong Hunyo 2022, kinumpirma niya ang kanyang pagdiborsyo kay Carla.
Read: Tom Rodriguez finally speaks up on split with Carla Abellana; reveals he is already divorced
Sa ngayon, sensitibo at maaaring nagtatampo sina Bea at Dominic sa mga tao sa kanilang paligid na nakadagdag kaya lumaki ang mga usapin tungkol sa relasyon nila.
Pero kadalasan, ang tadhana na ang gumagawa ng paraan upang makaiwas sila sa mas malalaking problema na mahirap nang matalikuran. Mapagtatanto nila ito sa mga susunod na araw, buwan o pagkalipas ng maraming taon.
At kung sakaling mangyari ito, baka pasalamatan pa nina Bea at Dominic ang mga taong boluntaryong nakisali sa mga problema sa kanilang relasyon dahil nakaligtas sila sa mas matitindi na pagsubok.