PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lorraine Ojimba wins MUPH QC; Jocelyn Cubales pasok sa Top 10

Senior citizen Jocelyn Cubales pasok sa Top 10 ng Miss Universe PH Quezon City
by Jojo Gabinete
Published Feb 5, 2024
lorraine ojimbo jocelyn cubales
Lorraine Ojimba (left) of Barangay South Triangle bested other candidates to win the first-ever Miss Universe Philippines Quezon City crown; senior citizen Jocelyn Cubales (right) makes an impact as she made it to Top 10.
PHOTO/S: Miss Universe Philippines Quezon City Facebook

Nabigo ang senior citizen na si Jocelyn Cubales mapanalunan ang korona at titulo ng kauna-unahang Miss Universe Philippines Quezon City 2024.

Hanggang Top 10 lamang ang inabot niya sa koronasyong naganap sa Quezon Ballroom ng Seda Vertis North Hotel, Quezon City, ngayong Lunes ng gabi, Pebrero 5, 2024.

Read: Jocelyn Cubales, 69, target maging kauna-unahang senior citizen Miss Universe candidate

Hindi man nagwagi, hindi umuwing luhaan si Cubales dahil siya ang tumanggap ng special award na Miss Anlene Total 10, ang uri ng gatas para sa 45-pataas ang edad na nagpapalakas ng katawan at nagpapatibay ng buto.

Ipinagkaloob din kay Cubales ang Light of Dreams ng Light of the Universe special award dahil ipinamalas niya sa lahat na hindi siya mapipigilang gawin ang lahat ng kanyang mga gusto sa buhay.

Tinawag na pampalubag-loob award ang Light of the Universe special awards dahil binigyan ng parangal ang labinlimang kandidatang lumahok.

Si Lorraine Ojimba ng Barangay South Triangle, Quezon City, ang nag-uwi ng korona. Siya ang magiging opisyal na kinatawan ng lungsod sa Miss Universe Philippines 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa umpisa pa lang ng grand finals night, hinulaan agad na si Ojimba ang magtatagumpay dahil sa special awards na kanyang hinakot, kabilang ang best in evening gown at Best in Swimsuit.

First runner-up si Cam Lagmay ng Barangay Bagumbayan; second runner-up si Nicole Lao ng Barangay Don Manuel.

Third runner-up ang self-confessed bisexual na si Marinella Catangay ng Barangay Batasan Hills, at fourth runner-up si Stef Monce ng Bagong Pag-asa.

Napanood ang live broadcast ng grand finals ng Miss Universe Philippines Quezon City sa official Facebook page nito.

Pero ilang minuto bago inanusiyo ng host na si Ryan John Tresplacios ang mga nanalo, nakapagtatakang lumabas na sa isang pageant website ang kumpletong listahan ng mga nagwagi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lorraine Ojimba (left) of Barangay South Triangle bested other candidates to win the first-ever Miss Universe Philippines Quezon City crown; senior citizen Jocelyn Cubales (right) makes an impact as she made it to Top 10.
PHOTO/S: Miss Universe Philippines Quezon City Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results