PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tanghalan ng Kampeon magbabalik bilang segment sa TiktoClock

TiktoClock, ipapalit sa Tahanang Pinakamasaya?
by Jojo Gabinete
Published Feb 2, 2024
bert marcelo pilita corrales kim atienza pokwang
(Left) Bert "Tawa" Marcelo and Pilita Corrales hosted Tanghalan Ng Kampeon on GMA-7 from 1987 to 1992; (right) Kim Atienza and Pokwang will host the singing competition as a segment in TiktoClock.
PHOTO/S: GMA Network

Ibabalik ng GMA-7 ang Tanghalan ng Kampeon, ang singing competition na napanood sa nabanggit na network mula 1987 hanggang 1992.

Si Pilita Corrales at ang pumanaw na komedyanteng si Bert “Tawa” Marcelo ang mga host noon ng Tanghalan ng Kampeon.

Sa pagbabalik ng "Tanghalan ng Kampeon" sa Pebrero 12, 2024, sina Kim Atienza at Pokwang ang mga host.

Gagawing segment ang naturang patimpalak sa TikToClock, ang morning variety program ng Kapuso Network na natutunghayan bago ang Tahanang Pinakamasaya ng TAPE Inc.

Sanay na host ng mga singing competition si Pokwang dahil nahasa ito nang husto noong nagtatrabaho pa siya bilang stand-up comedienne sa Music Box, isa sa mga comedy bar na itinuturing na institusyon.

Ang direktor ng TikTokClock na si Louie Ignacio ang nag-anunsiyong dapat abangan ang mga panalong tinig sa pagbabalik ng "Tanghalan ng Kampeon," na isinalarawan niya bilang "classic '80s Kapuso singing competition."

Dalawang linggo na ang nakararaan buhat nang magpatawag ang GMA-7 ng audition tuwing Miyerkules at Huwebes para sa mga nagnanais sumali sa Tanghalan ng Kampeon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sadyang mahihilig sa pagkanta ang mga Pilipino kaya marami ang lumahok sa audition at inaasahang madaragdagan ito kapag nag-umpisa na ang "Tanghalan ng Kampeon" sa Pebrero 12, 2024.

Dahil sa nalalapit na pagbabalik ng GMA-7 sa "Tanghalan ng Kampeon," nagkaroon ng mga haka-hakang maaaring inihahanda ang TikToClock bilang kapalit ng Tahanang Pinakamasaya kapag natapos sa Disyembre 2024 ang kasunduan sa pagitan ng TAPE Inc. at GMA Network Inc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Bert "Tawa" Marcelo and Pilita Corrales hosted Tanghalan Ng Kampeon on GMA-7 from 1987 to 1992; (right) Kim Atienza and Pokwang will host the singing competition as a segment in TiktoClock.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results