PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miss Universe 2023 Runner-up Anntonia Porsild Visits Philippines

Anntonia Porsild nakatakdang dumating sa Pilipinas sa January 29.
by Jojo Gabinete
Published Jan 26, 2024
anntonia porsild songkran festival
Miss Universe 2023 1st runner-up Anntonia Porsild is scheduled to arrive in the Philippines on January 29, 2024.
PHOTO/S: @porxild on Instagram

Sigurado na ang pagdating sa Pilipinas ni Miss Universe 2023 1st runner-up Anntonia Porsild ng Thailand.

Kilalang-kilala ng mga Pilipino si Anntonia dahil isa siya sa mga mahigpit na nakalaban ng Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa international beauty pageant na kanilang sinalihan, na naging instrumento para magkaroon sila ng malalim na pagkakaibigan.

Read: Thailand’s Anntonia Porsild on friendship with Michelle Dee: “She understands my sarcasm and my jokes.”

Sa Instagram live ng dalawa noong Nobyembre 22, 2023, ibinalita ni Michelle ang plano ni Anntonia na pagbisita sa ating bansa, at mangyayari nga ito sa darating na Lunes, Enero 29, 2024.

Sandaling-sandali lamang ang pamamalagi ni Anntonia sa Pilipinas dahil babalik agad siya sa Thailand sa Miyerkules, Enero 31.

anntonia porsild in manila

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula nang maging magkaibigan ang dalawa, "Daddy" at "Mommy" ang term of endearment nina Anntonia at Michelle sa isa’t isa.

"PorDee" naman ang inimbentong tawag kina Anntonia at Michelle ng mga tagasuporta nilang bilib na bilib sa uri ng kanilang pagkakaibigan.

Sinabi ni Michelle sa isang panayam na isang "wonderful friendship" sa pagitan nila ni Anntonia ang nabuo sa kanilang partisipasyon sa 72nd Miss Universe.

Read: Michelle Dee nagsalita na tungkol sa pagbibigay-malisya sa closeness nila ni Anntonia Porsild

Mga pageant powerhouse ang Thailand at Pilipinas.

Sa tuwing idinaraos ang Miss Universe, madalas pinagkukumpara ang mga kandidata ng mga nabanggit na bansa.

Pero ipinakita nina Michelle at Anntonia na ang kanilang pagkakaibigan ang patunay na hindi sila apektado ng "pagsasabong" na ginagawa ng masusugid na tagahanga ng mga beauty pageant.

Nang bumalik si Michelle sa Pilipinas noong Nobyembre 25, 2023, nagpahiwatig siya tungkol sa mga proyektong magkasamang gagawin nila ni Anntonia, pero walang detalyeng ibinigay ang Pinay beauty queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2023 1st runner-up Anntonia Porsild is scheduled to arrive in the Philippines on January 29, 2024.
PHOTO/S: @porxild on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results