Malaki na ang nabawas sa timbang ni Aga Muhlach mula nang magkaroon ng story conference ang Forgetting Canseco noong Hulyo 2023 at nang humarap siya sa entertainment press sa media conference ng Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko nitong Enero 23, 2024.

Ang Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko ang ipinalit na pamagat sa Forgetting Canseco, na unang pagtatambal nila ni Julia Barretto sa isang pelikula.
Read: Aga Muhlach, aminadong kabado sa unang pelikula katambal si Julia Barretto
View this post on Instagram
Sa ginanap na presscon ng pelikula nila ni Julia, hinangaan si Aga dahil sa pagsasalita nito tungkol sa kanyang matagal nang problema na ginagawan niya ng paraan sa kasalukuyan.
Pahayag niya, “I gotta face this lingering issue sa buhay ko—my being overweight.
“Until I am overweight, I cannot really move on. I cannot really do good projects as much as I want to because it’s very limiting.
“Being overweight is very limiting and I’ve been struggling and finally, finally, it’s happening now.”
Pumayat na si Aga buhat nang mangyari ang story conference para sa pelikula ni Julia noong Hulyo 2023.
Pagpapatuloy ni Aga, “Probably, some have noticed it already, but I’m there.
"And in the next four, five months, there’s gonna be a big thing that’s gonna happen.
"And sabi ko nga, it’s now or never.
“Parang if I don’t lose these, then it just stops for me. Because if I cannot fix that, papaano ako magtatrabaho nang maayos?
"So it’s all happening. It’s all going down this year."
Sinabi ni Aga na “I will continue to work. I’m inspired to work now,” pero hindi pa muna siya gagawa ng pelikula kasama ang kanyang mga anak na sina Atasha at Andres Muhlach.
Read: Aga Muhlach sinabing kay Charlene Gonzalez namana ng anak nilang si Atasha ang talent sa pagkanta
“I’m really excited, I cannot say it, but I’m really excited.
"And in terms of working with my children, I think for a movie, parang hindi muna siguro.
"Parang I just wanted [them] to be their own. TV, why not?”
Inilahad din ni Aga ang excitement na nararamdaman sa kanyang nalalapit na guesting sa Eat Bulaga! ng TV5 para i-promote ang pelikula ni Julia dahil dadalaw siya sa teritoryo ni Atasha.
Read: Atasha Muhlach, positive reviews sa televiewers sa unang araw niya bilang E.A.T. Dabarkads
“I am looking forward to my guesting sa Eat Bulaga!. Wow, I can say that now, ‘no?
“I’m looking forward to guesting sa Eat Bulaga! because makakasama ko yung… Parang bibisita ako sa teritoryo ng anak kong babae.
"Parang sinabi niya, ‘Hey. Dad, I got you covered here.’ May ganoon na siya, di ba?
"Parang, 'Wow! Let’s see,' sabi ko.
"First time ko siyang makikita sa workplace niya so that would be an experience so I’m looking forward to that, especially to promote this movie.”