Ang 22-year-old androgynous Filipino-American beauty na si Alexie Mae Brooks ang kinoronahang Miss Iloilo 2024 sa pageant night na ginanap sa West Visayas State University Cultural Center, Iloilo City, noong Enero 13, 2024.
Si Alexie ang kinatawan ng lalawigan ng Iloilo sa Miss Universe Philippines 2024.
Read: Alexie Brooks, palengke vendor and athlete, is Miss Iloilo 2024; to join Miss Universe Philippines
View this post on Instagram
Naniniwala ang aktres at Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo na malakas ang laban ng kanyang kababayan, na kilala niya nang personal dahil nagkasama na sila sa ilang mga proyekto noong hindi pa siya beauty queen.
“I think she is a very strong contender ‘coz she checks all the boxes—from her communication skills, her beauty, her personality, advocacy, everything is genuine.
“I think she’s really gonna give Iloilo a very good fight in the competition,” pahayag ni Rabiya tungkol kay Alexie.
Si Rabiya ang isa sa mga host sa koronasyon ng Miss Iloilo 2024 kaya nasaksihan niya ang tagumpay ni Alexie.
Ano ang mga masasabi niya tungkol kay Alexie?
Sagot ni Rabiya sa Cabinet Files, “Actually, Alexie is a friend of mine. We’ve done projects together in the past.
"Back then, I wasn’t even Miss Universe Philippines yet. Ever since I admire her wit."
Si Rabiya ang nanalong Miss Iloilo Universe noong Enero 23, 2020.
Nagwagi siyang Miss Universe Philippines noong Oktubre 25, 2020.
At naging official delegate siya ng ating bansa sa 69th Miss Universe na ginanap noong Mayo 16, 2021.
Gaya ni Rabiya, maraming Pilipino ang kumbinsidong malaki ang tsansa ni Alexie na mapanalunan ang korona ng Miss Universe Philippines 2024 dahil sa kanyang kagandahan at magagandang katangiang taglay.
Pagtitinda ng gulay sa palengke ang isa sa mga ikinabubuhay ni Alexie noong hindi pa ito sumasali sa beauty pageant.
Miyembro siya ng National University athletics team at heptathlon representative sa Southeast Asian Games.
Nang magtapos ng high school sa Iloilo National High School, naging scholar student siya ng University of Southern California at University of Texas.
Ikinukumpara si Alexie kay Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi dahil sa pagkakahawig nila.
Pero kung pagmamasdang mabuti, mas maganda at maamo ang mukha ni Alexie kesa sa South African beauty queen.
"Androgynous beauty" ang pagsasalarawan kay Alexie dahil sa pisikal na kaanyuan nito kaya napagkakamalan siyang lalake sa kanyang maiksing buhok at pananamit.
View this post on Instagram