PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Janno Gibbs blasts vloggers for spreading fake news

Janno Gibbs iniintrigang nagsalita para sa promo ng bago niyang pelikula.
by Jojo Gabinete
Published Jan 15, 2024
janno gibbs atty. lorna kapunan
Singer-actor Janno Gibbs faces the media, with legal counsel Atty. Lorna Kapunan (right), to call out vloggers and netizens who are spreading fake news that he has something to do with his father Ronaldo Valdez's death.
PHOTO/S: Jerry Olea

Walang katotohanan ang mga malisyosong haka-hakang nagsalita si Janno Gibbs nitong Lunes ng hapon, Enero 15, 2024, tungkol sa kaso ng kanyang pumanaw na amang si Ronaldo Valdez para mapag-usapan at magkaroon ng ingay ang pelikula niyang Itutumba Ka ng Tatay Ko.

Read: Janno Gibbs asks for public apology over mishandling of investigation of dad Ronaldo Valdez's death

Nakansela ang isang TV guesting ni Janno para sa promo ng Itutumba Ka ng Tatay Ko noong Enero 9, 2024, at hindi rin natuloy noong nakaraang linggo ang media conference ng kanyang unang movie directorial job.

Ito ay dahil sa desisyon ng abogadong si Atty. Lorna Kapunan na mauna ang press conference nila tungkol sa pagpanaw ng tatay ni Janno na si Ronaldo Valdez.

Si Atty. Kapunan ang legal counsel ng pamilya ni Janno.

Nangyari ang presscon na ipinatawag nila sa Club Filipino, Greenhills, San Juan City, ngayong Lunes ng hapon, Enero 15.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilahad ni Janno sa naganap na presscon ang kahilingan nilang public apology mula sa mga taong responsable sa pagkakalat ng video ng mga huling sandali ng kanyang ama.

Read: Sensitibong video ni Ronaldo Valdez kumakalat sa social media

Pumanaw ang beteranong aktor na si Ronaldo noong December 17, 2023.

Read: Veteran actor Ronaldo Valdez dies at 77

Binanggit din ni Janno sa harap ng miyembro ng media ang ilan sa mga vlogger na nag-imbento ng balita at pilit siyang isinasangkot sa pagkamatay ng tatay niya.

Sinabi ni Janno na malagim na nga ang nangyari sa kanyang pamilya pero dinoble pa ito ng fake news peddlers.

Nauulit na naman ito dahil sa mga taong inaakusahan siyang ginagamit ang malungkot na insidente para mapag-usapan ang pelikula niyang ipalalabas sa mga sinehan sa Enero 24.

Isa itong malaking kasinungalingang dapat pabulaanan at itutuwid.

Again, nakansela ang mga TV guesting ni Janno at ang media conference ng Itutumba Ka ng Tatay Ko dahil sinunod niya at ng kanyang pamilya ang payo ni Atty. Kapunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Viva Films ang producer ng Itutumba Ka ng Tatay Ko, pero wala silang anumang kinalaman sa ipinatawag na presscon ni Atty. Kapunan na naganap ngayong Lunes.

Ang Itutumba Ka ng Tatay Ko ang unang pelikula ni Janno bilang bida at direktor.

Ang naturang proyekto rin ang huling pelikula na ginawa ng kanyang ama bago ito binawian ng buhay noong nakaraang buwan.

Read: Janno Gibbs magsasalita na tungkol sa paglapastangan sa huling sandali ng kanyang amang si Ronaldo Valdez

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-actor Janno Gibbs faces the media, with legal counsel Atty. Lorna Kapunan (right), to call out vloggers and netizens who are spreading fake news that he has something to do with his father Ronaldo Valdez's death.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results