PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jeric Raval, Joko Diaz in Korean Film: The Guardian

Gusto raw maranasan ni Joko ang makagawa ng Korean film.
by Jojo Gabinete
Published Jan 14, 2024
Jeric Raval, Joko Diaz
Ang maging kontrabida naman muna ang dahilan ng pagtanggap ni Jeric Raval (kaliwa) ng proyektong 'The Guardian.' Habang si Joko Diaz (kanan) naman, gustong makaranas na makapagtrabaho sa isang Korean movie.
PHOTO/S: Viva Artists Agency

Kasama sa cast ng The Guardian sina Jeric Raval at Joko Diaz na parehong mga sikat na young action star noong dekada ’90.

Ang The Guardian ang Korean movie na pinangungunahan ng Korean stars na sina Park Eun-hye, Han Jae-seok, at Infinite boy band main vocalist Nam Woo-hyun na magkakaroon ng global release at planong isali sa mga international film festival.

“For a change," ang sinabi ni Jeric na dahilan kaya tinanggap niya ang kontrabida role sa kanyang kauna-unahang Korean movie project na kukunan sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila ang mga eksena.

Natutuwa si Jeric dahil sunud-sunod ang action movies na natatanggap nila ni Joko, pati na ng ibang Filipino action stars.

“I am not so familiar about the role, but words came to me that I’m one of the villains. Tinanggap ko yung project para maiba naman.

“Happy kami na dumadalas at nabubuhay nang paunti-unti ang action films, kasi dun naman kami ni Joko nakilala, yung mga ganoong tema ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya nga yung mga action star, minsan, hirap na hirap talagang tumanggap ng supporting roles dahil pumipili kami ng role namin.

“Hindi naman kami basta-basta makatanggap ng tatay roles, tatay na naka-wheelchair, tatay na matanda, hirap na hirap kami sa ganoon.

"We’re very excited na bumabalik na ang action films,” ang walang anumang pretensyon na pahayag ni Jeric sa ginanap na media conference ng The Guardian.

Ang kagustuhan na maranasang makagawa ng isang Korean movie ang ibinigay na dahilan ni Joko, kaya tinanggap niya agad ang karakter na Gordon na kanyang gagampanan.

“Tinanggap ko ito para masubukan ko naman po ang makapag-shoot ng isang Korean film, makasama sila at malaman kung ano yung pakiramdam,” katwiran ni Joko.

Ayon pa kanya, tanggap na tanggap niya ang katotohanan na panahon na ngayon ng mga mas nakababatang action stars.

Nagpakatotoo si Joko nang sabihin niyang, “Yung action dati, panahon namin yun. Yung action ngayon, panahon na ng mga bata, so nandito ako para sumuporta sa mga bagong nag-a-action. Turuan sila o mabigyan ng tips.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“For me, it’s their time. Siguro kami parati lang kaming naggagabay sa kanila and we are happy na nandiyan yung mga tao na nangangailangan sa amin para matulungan din sila.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang maging kontrabida naman muna ang dahilan ng pagtanggap ni Jeric Raval (kaliwa) ng proyektong 'The Guardian.' Habang si Joko Diaz (kanan) naman, gustong makaranas na makapagtrabaho sa isang Korean movie.
PHOTO/S: Viva Artists Agency
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results