PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kiko Estrada, makakapareha ang kanyang Tita Sarah Lahbati

Aunt-in-law kasi ni Kiko si Sarah.
by Jojo Gabinete
Published Jan 13, 2024
Sarah Lahbati, Kiko Estrada
Reinvention ni Kiko Estrada (kanan) ang sisimulang proyektong "Lumuhod Ka Sa Lupa," kunsaan makakapareha niya ang aunt-in-law niyang si Sarah Lahbati (kaliwa).
PHOTO/S: Viva Films

Puspusan na ang stunt training ni Kiko Estrada para sa television adaptation ng 1986 Rudy Fernandez-action movie starrer na Lumuhod Ka Sa Lupa.

Ang Lumuhod Ka Sa Lupa ang itinuturing ni Kiko na pinakamalaking proyekto niya sa kabuuan ng kanyang acting career dahil siya ang napiling bida.

Reinvention na ito ni Kiko bilang drama action star, kaya ginagawa niya ang lahat ng paghahanda para sa nalalapit na pagsisimula ng taping nila.

Sina Sarah Lahbati at Rhen Escaño ang kanyang leading ladies.

Sa mga hindi nakakaalam, magkamag-anak sina Kiko at ang estranged husband ni Sarah na si Richard Gutierrez.

Pinsan ni Eddie Gutierrez ang ina nina Cheska at Joko Diaz. Anak ni Cheska si Kiko kaya pamangkin ito ni Richard.

Thus, aunt-in-law ni Kiko si Sarah.

Dalawang taon lamang ang agwat ng mga edad nina Kiko (28) at Sarah (30), kaya bagay pa rin silang magkapareha.

Katuparan naman ng pangarap ni Rhen na mabigyan ng ibang klaseng proyekto ang Lumuhod Ka Sa Lupa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gusto niya ang proyektong susubok sa kanyang acting ability. Ayaw na kasi niyang gumawa ng sexy movies.

Natapos na ang acting workshops at look test nina Kiko, Rhen, at Sarah para sa nasabing upcoming series at ang pag-uumpisa na lamang ng taping ang kanilang hinihintay.

Si Carlo J. Caparas ang sumulat ng kuwento ng Lumuhod Ka Sa Lupa na isang nobela sa Aliwan Komiks na isinapelikula at ipinalabas sa mga sinehan noong August 21, 1986.

Ang Seiko Films ang nag-produce nito, pero si Carlo pa rin ang may karapatan sa naturang pelikula.

Nang magkaroon ng partnership sa pagitan ni Carlo at ng Viva noong Agosto 2011, kabilang ang Lumuhod Ka Sa Lupa sa labing-isang nobela ng direktor at komiks writer na napagkasunduan nilang muling gawin.

Originally, si Robin Padilla ang napiling magbida sa remake nito nang magpirmahan ng kontrata ang magkabilang-panig.

Pero sa paglipas ng panahon, si Mark Anthony Fernandez ang napabalitang gaganap sa karakter na pinasikat ng kanyang pumanaw na ama, hanggang sa mapasakamay ni Kiko ang proyekto na isa nang television series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Basil Valdez ang kumanta sa theme song ng Lumuhod Ka Sa Lupa na komposisyon ni Vehnee Saturno.

Pero hindi pa sinasabi ng mga producer kung maaaring gamitin ang nasabing awit bilang soundtrack ng sisimulan nang series.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Reinvention ni Kiko Estrada (kanan) ang sisimulang proyektong "Lumuhod Ka Sa Lupa," kunsaan makakapareha niya ang aunt-in-law niyang si Sarah Lahbati (kaliwa).
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results