Kabilang ang senior citizen at fashion designer na si Jocelyn Cubales, na kilala rin ng mga taga-showbiz bilang Joyce Penas Pilarsky, sa labinlimang kandidata ng Miss Universe Philippines-Quezon City 2024.
Magaganap ang koronasyon ng local pageant sa Pebrero 5, 2024.
Kung papalarin si Joyce, 69, siya ang magiging kinatawan ng Quezon City sa Miss Universe Philippines 2024.
Mabibigyan din siya ng pagkakataong makipagtunggali para magkaroon ng karapatang maging official candidate ng Pilipinas sa 73rd Miss Universe na idaraos sa Mexico.
Wala nang limitasyon ang mga edad ng mga nagnanais sumali sa Miss Universe.
Gagawa ng kasaysayan si Joyce sa Pilipinas dahil sa edad na 69, siya ang pinakamatanda sa mga nangangarap maging kalahok sa Miss Universe Philippines 2024.
Kung hindi man maging masuwerte si Joyce sa Miss Universe Philippines-Quezon City bid nito, nakatitiyak ang fashion designer na makukuha niya ang atensiyon ng publiko at magiging maingay ang kanyang pangalan dahil siya ang pinakamatanda sa mga kandidatang nagpakita ng interes magkaroon ng beauty title.
Sinabi ni Joyce na sa edad na 69, maraming aral ang matututunan ng mga kabataan mula sa kanyang mga karanasan.
“I am motivated because I want to inspire other Filipino women to pursue their passions and achieve their dreams,” ani Joyce tungkol sa pagsali niya sa Miss Universe Philippines-Quezon City 2024.
May paliwanag ang mister ni Joyce, ang singer-actor at businessman na si Marc Cubales, sa kanyang Facebook post tungkol sa desisyon ng misis niyang sumabak sa Miss Universe Philippines-Quezon City 2024.

Aniya (published as is), “She’s and award-winning designer, former model, a flight steward, well- known by famous magazine, press and bloggers a producer and a very person with a golden heart.
“I understand the dramas that she must look aged so everyone will talk about it. But yes, she’s 69 bagging awards and awards every year. She built not just a foundation to help but to serve and entirely share her blessing. you can do the research all night but all you will see is nothing but a lady with a good heart.
“I may have said yes continue follow your dream but it doesn’t mean that I’m letting some (only some) ruin and make fun with her. We had been traveling all over the world promoting Philippines as our country using our production by means of doing fashion show and producing models.”
Nagpakita ng pagkadismaya si Marc dahil napansin niyang "unflattering photos" ng kanyang asawa ang ginagamit sa mga ulat tungkol sa pagsali nito sa Miss Universe Philippines-Quezon City 2024 kaya naglabas siya ng ibang mga larawan ni Joyce.
Read: Jovy Angel at Morena Carlos, itinanghal na Cosmo Manila King & Queen 2022