PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TAPE's Tahanang Pinakamasaya, Not Eat Bulaga!

TAPE sumunod sa desisyon ng korte.
by Jojo Gabinete
Published Jan 6, 2024
tahanang pinakamasaya
Starting today, January 6, 2024, TAPE has started using Tahanang Pinakamasaya as the title of their noontime show on GMA-7.
PHOTO/S: TAPE Inc. Facebook

Simula ngayong Sabado, Enero 6, 2024, hindi na ginamit ng TAPE Inc. ang pamagat at logo ng Eat Bulaga! sa kanilang noontime show na umeere sa GMA-7.

Ito ay bilang pagsunod sa desisyon ng Marikina Regional Trial Court kaugnay ng copyright infringement at unfair competition cases na isinampa laban sa kanila at sa GMA-7 nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon o TVJ.

Read: Eat Bulaga! returns to TVJ: "Isa lang ang puwedeng tawaging Eat Bulaga!."

Napatunayan ng korte na ang Eat Bulaga! pioneer hosts ang tunay na may-ari ng naturang titulo.

Read: TVJ wins copyright infringement, unfair competition cases vs TAPE, GMA-7

Iginalang ng TAPE ang kautusan ng korte na hindi na nila maaaring gamitin ang trademarks na "Eat Bulaga" at "EB."

Tahanang Pinakamasaya ang pamagat na ginamit ng TAPE Inc. sa episode ngayong araw ng noontime show nila.

tahanang pinakamasaya logo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa live broadcast ng kanilang programa ngayong Sabado, January 6, 2024, sinabi ni dating Manila Mayor Isko Moreno na susunod sila sa desisyon ng korte.

Saad niya, “Mga Kapuso, may balita tayo na natanggap kahapon kaya tayo, susunod tayo sa desisyon ng korte.

"Pero siyempre, fresh episodes tayo mula ngayon.

"Laging good vibes lang at love, love, love dahil ang mahalaga, hangga’t nandiyan po kayo, kami ni Paolo [Contis] at ang aming mga kasama dito sa Tahanang Pinakamasaya, tuluy-tuloy ang tulong at saya at sorpresa, all unli-sorpresa!”

Naging maingat din ang mga host sa pagsasalita dahil hindi na nila binanggit ang Eat Bulaga! at wala na ang logo ng programang huling ginamit ng TAPE Inc. kahapon.

eat bulaga gma-7

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina Tito, Vic & Joey ang plaintiffs at sila ang pinaboran ng Marikina Regional Trial Court sa reklamong kanilang inihain laban sa TAPE Inc.

Pinahinto ng korte ang TAPE Inc. sa paggamit ng EB trademark, logos, at jingle.

Read: Eat Bulaga! war and how it changes Philippine TV: A Timeline

Nakasaad din sa resolusyon ng korte ang pagpapatigil nito sa TAPE Inc.sa paglalabas ng mga lumang episode, clips, at segments ng orihinal na Eat Bulaga! mula nang magpaalam sina Tito, Vic, at Joey sa programa noong Mayo 31, 2023.

Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Starting today, January 6, 2024, TAPE has started using Tahanang Pinakamasaya as the title of their noontime show on GMA-7.
PHOTO/S: TAPE Inc. Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results