Darating sa Pilipinas si Nam Woo-hyun ngayong Enero 2024 para sa shooting ng kanyang launching movie na The Guardian.
Ang The Guardian ang launching movie at reinvention bilang action star ng 32-year-old South Korean singer at dating main vocalist ng boy group na Infinite.
Co-stars ni Nam Woo-hyun sa The Guardian sina Park Eun-hye (Jewel in the Palace) at Han Jae-seok (All About Eve), na darating din sa Pilipinas para sa shooting ng kanilang proyekto.
Isang hardcore action film ang The Guardian, kung saan gagampanan ni Nam Woo-hyun ang karakter ni Park Do-Jun.
Tungkol ito sa isang anak na pumunta sa Pilipinas para tulungan sa negosyo ang kanyang ina pero dinukot ito ng Korean criminal gang.
Ang pagliligtas ni Park Do-jun sa nanay niya mula sa mga kidnapper ang umpisa ng maaksyong kuwento ng The Guardian.
Si Jeong Jang-hwan ang direktor ng pelikula, samantalang si Hong Sang-seok ang martial arts director ni Nam woo-hyun.
Sumailalim ang dating Infinite member sa matinding training para sa mga action scene ng kanyang biggest break bilang aktor.
Ang shooting ng The Guardian ang pangatlong pagkakataong pagdalaw ni Nam Woo-hyun sa Pilipinas dahil isa siya sa mga nagtanghal sa coronation night ng Miss Universe Philippines 2023 na ginanap sa Mall of Asia Arena noong Mayo 13, 2023.
Read: Everything you need to know about Miss Universe Philippines 2023 coronation night
Sa kanyang Instagram post noong Mayo 2023, sinabi ni Nam Woo-hyun: “Philippines!! It’s been eight years…Next time, with a concert.”
View this post on Instagram
Nagkatotoo ang pahayag ng Korean star.
Pero higit pa ang nangyari dahil mas malaki pa sa concert ang proyekto niya sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas—ang shooting ng The Guardian.
Inaasahang makakasalamuha ng ating mga kababayan si Nam Woo-hyun at ang ibang cast members ng The Guardian dahil mananatili sila nang matagal sa ating bansa para sa mga eksena ng pelikula na kukunan sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.