PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Binyag post ni Rob Gomez, umani ng maling haka-haka?

May mga nagtatanong: Nagkabalikan ba?
by Jojo Gabinete
Published Dec 27, 2023
Rob Gomez and Shaila Rebortera during the baptism of their baby girl Amelia on December 17, 2023
Rob Gomez and Shaila Rebortera during the baptism of their baby girl Amelia on December 17, 2023.
PHOTO/S: @robgomez.23 on Instagram

Ang Christmas Day post ni Rob Gomez ay umani ng maling haka-haka na nagkasundo na sila ng ex-girlfriend na si Shaila Rebortera.

May ilang artikulo kasing lumabas na inakalang nagbalikan at nagkasundo na ang dalawa.

Ang post ay tungkol sa binyag ng kanilang anak na si Amelia.

Read: Rob Gomez shares photos from daughter's baptism on Instagram

Kuha ang mga larawan noong Disyembre 17, 2023, dalawang araw bago kumalat ang mga screenshots ng pakikipagpalitan ni Rob ng mga personal na messages sa mga dating co-stars niya sa Magandang Dilag na sina Herlene Budol, Pearl Gonzalez, at Bianca Manalo.

Read: Senator Sherwin Gatchalian on Bianca Manalo: "No fake news will divide us apart.”

At mula nang paratangan ni Rob si Shaila na siyang nag-post ng mga screenshots gamit ang cellphone at Instagram account ng aktor noong Disyembre 19, hindi pa sila nagkakausap.

Hindi pa rin nakikita ni Rob ang kanilang anak na labis na nagpapahirap sa kalooban niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakadagdag din sa kalituhan ng mga sumusubaybay sa kontrobersiya na kinasasangkutan ng ex-couple ang mga "like" ng aktor sa mga Instagram posts ng kanyang dating karelasyon.

Shaila Rebortera with baby girl Amelia

Posibleng ginagawa ang mga ito ni Rob sa pagbabakasakaling lumambot ang puso ni Shaila, at para magkita sila ng anak noong Pasko at sa paparating na Bagong Taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero tila hindi mangyayari ito dahil masyadong malalim ang ang huling alitan nila.

Malaking eskandalo ang idinulot ng mga lumabas na screenshots, lalo pa't maraming personalidad ang nadamay.

Kabilang dito si Bianca, na ginawan ng maraming memes dahil sa text message niya kay Rob na, "He's not here. He's in Valenzuela."

Maging ang boyfriend ni Bianca na si Senator Sherwin Gatchalian ay nagbigay din ng reaksiyon na, "No fake news will divide us."

Para sa ikatatahimik ng isyu, mas maiging ihinto muna ni Rob ang pag-post sa social media ng mga larawan o anumang impormasyon na puwedeng pagmulan ng maling haka-haka.

Hayaan niya munang humupa ang lahat, at humanap siya ng paraan para makapag-usap sila ni Shaila tungkol sa anak.

Sana rin, huwag basta-basta maglabas ng mga balita base lamang sa pictures. Maganda sana kung totoo. Pero kung hindi, wag nang maglabas ng fake news.

Read Next
Read More Stories About
Rob Gomez
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rob Gomez and Shaila Rebortera during the baptism of their baby girl Amelia on December 17, 2023.
PHOTO/S: @robgomez.23 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results