Naranasan nina Sarah Lahbati, Janno Gibbs, Ricardo Cepeda, at maging ng dating sexy star na si Brandy Ayala ang kakaibang Pasko ngayong 2023 dahil sa mga situwasyong hindi nila napigilang mangyari.
SARAH LAHBATI
Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang magkaroon sila ni Richard Gutierrez ng relasyon, nagdiwang ng Pasko si Sarah Lahbati na hindi kasama ang ama ng kanyang dalawang anak.
Sumasagot ang nanay ni Sarah na si Esther sa mga komento sa Instagram account ng kanyang anak kaya napi-pick up ng publiko ang mga nangyayari kahit hindi nagsasalita ang aktres.
Read: Esther Lahbati reveals Sarah and Richard co-parenting kids; applauds netizens comments about Annabelle Rama
Hindi rin mapigilang magsalita ng ina ni Richard na si Annabelle Rama kaya nakaka-pick up din ang publiko mula rito kahit walang sinasabi ang aktor.
Read: Who is Annabelle Rama alluding to in “Devil Woman, makamandag, manipulative, BEST LIAR” post?
Sa ngayon, wala pang pormal na kumpirmasyon ng hiwalayan mula sa mag-asawang Richard at Sarah.
View this post on Instagram
Si Esther ang nagkumpirmang kasama ni Sarah ang mga anak na sina Zion at Kai noong Lunes, araw ng Pasko, kaya mali ang mga akalang kasama ng pamilya Gutierrez sa Japan ang dalawang bata.
“Na kay Sarah sina Zion at Kai. Live na live with the family of Sarah. Co-parenting sila ng tatay,” pagtutuwid ni Esther sa komento ng isang netizen sa Instagram post ni Sarah.

JANNO GIBBS
Malungkot ang Pasko ni Janno Gibbs at ng pamilya nito dahil sa pagpanaw ng kanyang amang si Ronaldo Valdez noong Disyembre 17, 2023.
Read: Veteran actor Ronaldo Valdez dies at 77
Ito ang unang Pasko na wala ang ama ni Janno, na mukhang unti-unti nang natatanggap ang nangyari dahil sumasagot na siya sa mensahe ng netizens sa kanyang Instagram account.
View this post on Instagram
Mukhang nakatulong kay Janno ang pagbabakasyon nito matapos ng maiksing panahon ng burol ng mga labi ng ama.
Kahit paaano'y parang pansamantalang nabawasan ang kalungkutang nararamdaman niya.
RICARDO CEPEDA
Hindi na nagpapaunlak ng panayam si Ricardo Cepeda.
Pero tiyak na malungkot din ang unang Pasko ng nakakulong na aktor dahil sa isang kasong iginigiit niya'y kinasangkutan lamang ng kanyang pangalan.
Read: Ricardo Cepeda "wrongfully accused," says stepson; still detained at Camp Karingal
Sinubukan ng Cabinet Files makausap si Ricardo tungkol sa unang Pasko ng kanyang pagkakabilanggo pero pinili niyang huwag nang magsalita.

BRANDY AYALA
Patuloy sa pagbuti ang kundisyon ni Brandy.
Sa kasalukuyan ay inaalagaan ang dating star ng mga tauhan ng Safehaven Recovery Village sa Cebu City at ng Battle Against Ignorance (BAI) Foundation, na pinangungunahan ng former actor na si Lito Gruet.
Read: Dating sexy star Brandy Ayala malaki na ang pagbabago mula nang sagipin ng grupo ni Lito Gruet
Kinumusta namin kay Lito ang kalagayan ni Brandy na nagdiwang ng Pasko na malayo sa pamilya nito sa Tondo, Manila.

Sinabi ni Lito na mabait at masunurin si Brandy.
Umaasa silang makatutulong ang mga gamot at therapy sa dating aktres para gumaling na ito mula sa psychological illnesses.
Si Nanette Maglasang ang personal recovery coach ni Brandy sa Safehaven, at pagsusog nito sa sinabi ni Lito: “We don’t have any difficulty with her basic daily structure.
“She wakes up on time schedule and takes a bath by herself. Takes meals and medicines regularly.
“Masinop siya. Nagliligpit ng kanyang clothes at washes her own plate. She has a good appetite.”