Pumanaw na ang matinding kritiko ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na si Dr, Rowena Burden.
Cardiac arrest ang ikinamatay ni Dr. Burden noong Disyembre 15, 2023. Siya ay 58.
Si Burden ang Cebu-based cardiologist na nasangkot sa "Bardagulan sa Cebu" noong Setyembre 2023 dahil sa kanyang mga personal na pag-atake kay Governor Garcia, gamit ang kanyang mga social media account.
Read: Jay Manalo, absuwelto sa "bardagulan" sa Cebu; "CA" umano ang initials ng actor boytoy
Kabilang ang aktres na si Chanda Romero sa mga nalungkot sa pagpanaw ni Dr. Burden. Matalik na magkaibigan ang dalawa.
“Rest in peace, Dai Rowena. I will keep you in my heart forever,” mensahe ni Chanda para sa namayapang kritiko ni Mayor Gwen.

Tatlong bilang ng cyberlibel ang isinampa ni Governor Garcia laban kay Dr. Burden dahil sa mga malisyoso at sunud-sunod na pahayag nito laban sa kanya na nag-umpisa noong Setyembre 2023.
Sa labingwalong pahina ng resolusyon na may petsang Oktubre 11, 2023, inaprubahan ni Provincial Prosecutor Ludivico Cutaran ang rekomendasyon ni Prosecutor Reina Carmel Rivas ang paghahain ng tatlong impormasyon para sa cyberlibel Section 4(C) (4) ng Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012 laban kay Burden.
Pero binawian na nga ng buhay si Dr. Burden noong nakaraang Biyernes.
Lumikha ng malaking ingay ang mga mabibigat na paratang ni Dr Burden laban kay Governor Garcia dahil nasangkot sa isyu ang aktor na si Jay Manalo.
Sa ekslusibong panayam ng Cabinet Files, iginiit ni Manalo na hindi sila personal na magkakilala ng gobernadora ng Cebu at walang katotohanan ang mga haka-haka ng publiko.
Read: Jay Manalo, itinangging siya ang "actor boytoy" na inuugnay sa isang politiko
Ni-repost ni Burden sa Facebook page nito ang link ng ulat ng PEP.ph noong Setyembre 11, 2023.
Siya mismo ang nagpatotoong walang kinalaman si Jay dahil ibang aktor ang kanyang tinutukoy.
“Yes, this is the reason why I posted that it is CA and not JM. Jay Manalo had to issue an official statement that it is not him. The whole Philippines and our kababayans abroad are glued to this issue," pagtutuwid ni Dr. Burden at paglilinis nito sa pangalan ni Jay.
Nilagyan din niya ng mga hashtag na #Bardagulan at #cebuserye ang kanyang post.
Nang makarating kay Jay ang balita tungkol sa pagyao ni Burden, na hindi rin niya personal na kilala, “That’s life” ang kanyang reaksyon.
DR. rowena BURDEN ON DEATH
Isang taon at apat na buwan bago namayapa si Dr. Burden, ibinahagi niya sa kanyang Facebook followers ang mga saloobin tungkol sa kamatayan.
Aniya, “Discussions about death SHOULD be normalized. Helloooo, it is the ONLY certain thing in life-we will ALL die.
“Why on earth can’t we discuss it with openness and humor???
“I came from stardust, to stardust I shall return as what happens to all of us.THERE IS NO AFTERLIFE.
“Once we die, pffft we go to give rise to another entity in the future.
“I would want to become a star, not another human being. I once told Kim, before I knew I had EDS [Ehlers-Danlos Syndrome], that I have signed all my organs away so my cremation expenses will be so low already as I would be smaller and lighter.
“Once I learned that I have a generalized collagen defect and I cannot donate any organ, I began monitoring cremation charges to make sure that I leave enough money for it and for the party complete with a live band that will play 80’s dancing songs, a buffet spread that should include humba, and loooots of alcohol especially tequila.
“I celebrated my 48th birthday party that was catered for a hundred people the night before we buried Daddy Mesio. Death can sometimes mean a well-deserved escape. Celebrating the end of suffering DOES not mean disrespect.It can be a celebration of a life well-lived.”
Nang mamatay si Dr. Burden, natupad ang pangarap niyang maging "star" dahil headline sa mga pahayagan at online news site ang kanyang pagpanaw.