Masalimuot ang kuwento ng paghihiwalay ng dalawang showbiz personality.
Habang nadadagdagan ang mga detalyeng nasasagap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), pakumplikado ito nang pakumplikado.
At ang latest: maselan ang isa sa mga dahilan ng pagwawakas ng kanilang relasyon.
Nagpasya si Showbiz Personality A na makipaghiwalay kay Showbiz Personality B dahil, ayon sa source, "sex object" ang trato sa kanya.
Read:
Aktres na idinadawit sa hiwalayan ng isang showbiz couple, may asawa na
BLIND ITEM: Isa pang showbiz couple, kumpirmadong break na; aktor, battered boyfriend umano
Hindi na matagalan ni Showbiz Personality A ang madalas at puwersahang pamimilit sa kanya ni Showbiz Personality B na magtalik sila.
Napagod din si Showbiz Personality A na mabuhay na palaging may mga pag-alaala dahil tila kinukundisyon ni Showbiz Personality B ang kanyang isip na maraming tao ang may ayaw.
Parang gustong makontrol ni Showbiz Personality B ang showbiz career ni Showbiz Personality A?
Read:
BLIND ITEM: Aktor, nabawasan ang eksena sa pelikula dahil sa pakialamerang aktres
Irresistibly Handsome Actor reason why Pretty Actress left boyfriend?
Nang makatanggap ng mensahe si Showbiz Personality A mula sa isang taga-pagtanggol ni Showbiz Personality B, napilitan siyang sabihin ang hindi makataong trato sa kanya.
Napalitan ang pagbabanta ng paghingi ng paumanhin dahil tila napagtanto ng nakikisimpatiya kay Showbiz Personality B na may mga sapat na katwiran si Showbiz Personality A para makipaghiwalay.
Read:
Female Celebrity nakakalula ang ipino-post sa private Instagram account nito
Magandang aktres, may pasabog tungkol sa naranasang pambubugbog?
Ngayong malaya na siya mula sa nakasasakal na pagmamahal ni Showbiz Personality B, may nararamdaman nang kapayapaan si Showbiz Personality A na importante sa kalusugan ng kanyang pag-iisip.
Kung sakaling hindi pa rin huminto ang mga maling haka-haka tungkol sa puno’t-dulo ng kanilang paghihiwalay, malaki ang posibilidad na basagin ni Showbiz Personality A ang pananahimik dahil hawak niya ang katotohanan kaya siya lamang ang makapagtatanggol sa sarili mula sa diumano ay manipulasyon at pang-aabusong naranasan.