Mainit ang pagsalubong ng mga empleyado ng GMA Network kay Miss Universe 2023 Top 10 finalist Michelle Marquez Dee nang bumisita siya sa Unang Hirit ngayong Lunes ng umaga, Nobyembre 27, 2023, dalawang araw matapos ang pagbalik niya sa Pilipinas.
Read: Michelle Dee: "All of you made me feel like I was a winner."
Habang iwinawagayway ang mini flags ng Pilipinas na hawak nila, isinisigaw ng mga tauhan ng GMA-7 ang "MMD," ang initials ng pangalan ni Michelle na sakay ng isang open-roof car nang pumasok sa Kapuso Network compound.

Halos isang buwan nawala sa bansa si Michelle dahil sa pagsali niya sa kontrobersiyal na international pageant na ginanap sa El Salvador noong Nobyembre 18, 2023.
Read: Michelle Dee reacts to Miss Universe El Salvador page apology about Top 5 announcement mistake
Ang nalalapit na pagkikita nila ng sikat at pinakamatandang tattoo artist sa Pilipinas na si Apo Whang Od ang isa sa mga ikinuwento ni Michelle sa early morning program ng GMA-7.
Si Apo Whang Od ang naging inspirasyon ng fashion designer na si Mark Bumgarner sa nilikha nitong kasuotan ni Michelle sa evening gown competition ng 72nd Miss Universe.
Read: Michelle Dee honors Apo Whang-Od with Miss Universe 2023 gown
View this post on Instagram
“Actually magkikita kami very soon. Before ako lumipad for El Salvador, inaabangan niya ako early October pa lang.
"Alam na talaga niya that my gown was inspired by her. Alam niya talaga.
"It’s just the schedule, the logistics. The day na dapat lilipad ako, bumagyo, so I couldn’t make it until I flew [to El Salvador].
"Pero magkikita pa kami," lahad ni Michelle tungkol sa nakatakdang pagtatagpo nila ni Apo Whang Od.
Read: Why Apo Whang-Od is not eligible for the National Artist award
May paliwanag din si Michelle tungkol sa binigyang malisyang pagkakaibigan nila ni Miss Universe Thailand Anntonia Porsild, ang Miss Univere 2023 first runner-up na naging malapit sa kanya sa beauty pageant na kanilang sinalihan.
Saad niya, “Before arriving to El Salvador, of course alam naman natin, Thailand and the Philippines are both powerhouse countries in terms of pageantry and malakas talaga ang support system.
“Hindi kami naging close kaagad. We were assigned to different tourist destinations. Hindi kami nagsama talaga until rehearsals and then we realized na parang we have so much in common.
“We really jibe in terms of our sarcasm or humor, super kalog din kami.
"Pero we took a photo for the first time, not expecting us to be linked together.
"Kasi our intention naman talaga was to show our fans na Philippines and Thailand are good friends. Tama na yung mga away-away.
"But when we became close, medyo naging inseparable talaga kami."
Sinabi rin ni Michelle na may posibilidad na bumisita siya sa Thailand at pumunta si Anntonia sa Pilipinas.
“Nung pauwi kaming dalawa to our respective countries, may mga balita kaming natanggap, so sana matuloy.”
Mapapanood din si Michelle sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong hapon para sagutin ang ibang mga kontrobersiyal na isyung may kinalaman sa kanyang Miss Universe bid.