Kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa plano, ang Forgetting Canseco ang opening salvo ng Viva Films sa Enero 2024.
Mga bida rito sina Aga Muhlach at Julia Barretto at ito ang katuparan ng pangarap ng 26-year-old actress na makapareha sa pelikula ang award-winning actor.
Naniniwala si Julia na magiging “exciting year " ang 2024 dahil bukod sa malapit nang ipalabas sa mga sinehan ang isa sa kanyang dream projects, patuloy na dumarating ang mga sorpresa na hindi niya inaasahan.
“I feel like life is so unpredictable these days and even the opportunities that are being presented to me also come as a surprise.
“There are, of course, a lot of things to look forward to for 2024 aside from the movies I’ve shot this year that will be shown next year.
"Yes, 2024 will be exciting and a surprising year for me, so tingnan natin next year kung ano pa ang magiging surprises."
Itinuturing ni Julia na hamon ang magkasabay na shooting ng Forgetting Canseco sa Baguio City at ang mga paghahanda niya bilang 2024 calendar girl ng Tanduay.
“Challenging yung pinagsabay ko yung nagsu-shooting ako, pag-uwi ko sumisingit ako ng konting exercises.
“But again, when you’re surrounded with the right people, naaalagaan ka talaga nang maayos.
“But isa yan sa mga I believe in, yung you don’t get ready when you have something to be ready for.
“Dapat palagi kang ready. Hindi na yung parang…it’s not as if you’re cramming anymore to be ready for a project.
"I believe in always being ready. Always prepare."
Dahil tinanggap niya ang alok na maging calendar girl ng isang alcoholic drink, handa na rin ba siya para sa daring at mature roles?
“Bakit naman hindi if you’ve already done something like Expensive Candy," sagot ni Julia na pinuri noon sa kanyang pagganap sa nabanggit niyang pelikula.
"But you know what, hindi nga siya daring, e. It’s growing up and it’s being confident in your own skin, being confident in your flaws."
Inaasahan na muling mapapansin ang acting talent ni Julia sa Forgetting Canseco dahil pinatotohanan ng mga nakapanood sa rushes ng pelikula na nakipagsabayan siya kay Aga sa pag-arte.
Pinatunayan umano ni Julia sa mga eksena rito na hindi nagkamali ang home studio niya sa pagpili sa kanya bilang kapareha ni Aga.