PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelu de Leon Returns to Showbiz After Pasig Councilor Term

Angelu de Leon, may mga na-realize matapos umupo bilang konsehal ng Pasig.
by Jojo Gabinete
Published Nov 22, 2023
angelu de leon politics
Angelu de Leon on her realizations after being elected Pasig councilor: "Makikita mo yung good and bad. Makikita mo yung difference ng tama at hindi na pamamahala. Makikita mo rin yung mga pangangailangan ng mga tao na minsan kahit na parang madaling solusyunan, hindi siya ganoon kadali."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @angeludeleonrivera on Instagram

Mula sa pagiging teenage superstar noong dekada ’90, malayong-malayo na ang narating ni Angelu de Leon.

Hindi makapaniwala ang aktres na darating ang araw na papasok siya sa mundo ng pulitika at paglilingkod sa bayan.

Nahalal si Angelu na konsehal ng ikalawang distrito ng Pasig City noong Mayo 9, 2022. Siya ang nakatanggap ng pinakamataas na boto, isang indikasyong buong-buo ang pagtitiwala sa kanya ng mga kababayan niya sa Pasig.

Read: Former loveteam partners Angelu de Leon, Bobby Andrews throw hat into political arena

“Hindi ko nai-imagine kasi ako yung nakasakay so hindi ko masyadong nakikita.

"Pero kapag marami akong nakakausap, dun ko nare-realize, oo nga,” reaksiyon ni Angelu tungkol sa mga taong natutuwa at nagsasabing malayo na ang kanyang narating dahil mula sa showbiz, nakatawid siya sa public service.

Pagpapatuloy niya sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files, “Nagugulat ako dahil hindi ako masyadong nagpaplano, like five years… ten years. I am not that type of person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero natutuwa ako nga dahil sabi nga sa Holy Bible, ‘Many are the plans of man but it’s the Lord who directs his steps.’ So I think I’m in that perfect Bible verse.”

Para kay Angelu, mas malalim ang kahulugan ng kanyang mga layunin nang magdesisyon siyang kumandidatong konsehal ng Pasig City. Bukod sa paglilingkod, gusto raw niyang ibahagi sa lahat ang kabutihan ng Panginoong Diyos.

Saad niya, “Yung real meaning talaga is to be God’s servant. Na ma-fulfill ko na to share a God, to be a public servant, to be a good servant, hindi lang sa politics, just really to be a good servant.”

Inamin ni Angelu na marami siyang hamon na naranasan nang magsimula ang pagsisilbi niya sa bayan.

“Makikita mo yung good and bad. Makikita mo yung difference ng tama at hindi na pamamahala.

“Makikita mo rin yung mga pangangailangan ng mga tao na minsan kahit na parang madaling solusyunan, hindi siya ganoon kadali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Isa sa learnings ko, dahil legislative kami, we create laws, ordinances. Minsan parang ang great ng idea pero kapag tiningnan at pinag-aralan mong mabuti, magaling siya sa salita, pero dahil nagawa mo na, puwedeng baligtarin ng masasamang tao.

“Minsan may ganoon, yung mga batas nababaligtad or nagagamit na lalo na kung may loopholes. Yun ang mahirap, mahirap balansehin para maging mas makatao.”

BACK TO SHOWBIZ

Mahigit isang taon matapos siyang mahalal na konsehal ng Pasig City, tumatanggap na si Angelu ng mga showbiz project.

Pero tiniyak niyang hindi magkakaroon ng conflict sa kanyang mga responsibilidad at, higit sa lahat, may permiso ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

“Ngayon medyo bumabalik na ako sa showbiz. May ginagawa ako sa Viva, yung movie na Sunnies with Vina Morales, Katya Santos. At meron akong Pulang Araw.

“Yes, nagpapaalam ako kay Mayor Vico. Pero noong first year ko talaga in public service, talagang nagtuon lang ako doon, kahit may offers.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sabi ko, gusto ko talaga na mag-immerse sa trabaho. Ngayon medyo nakakaluwag, tumatanggap ako, pero nagpapaalam ako every time.”

Labingwalong taong gulang si Angelu at kasikatan nito nang magbuntis siya sa panganay na anak niya na si Nicole.

Ang huwag matulad sa kanya ang dalawang anak na babae ang panalangin noon ni Angelu, na maligayang-maligaya dahil natupad ang mga dasal niya.

“Yes! Siyempre dati ang prayers ko, noong maging single mom ako, a few years back, huwag silang matulad sa akin na maagang nabuntis. I got pregnant at 18.

“Kaya noong mga baby pa sila, yon ang ipinagdarasal ko, sana huwag silang matulad sa akin. Kasi kahit mukhang maganda ang buhay ko ngayon, I don’t wish it for any girl. Yun talaga ang prayers ko.

"And now na nag-debut silang dalawa, nakikita ko how they are with themselves, sobrang blessing na yon sa akin. Answered prayers,” sabi ni Angelu.

Nagpapasalamat ang actress-politician sa Diyos dahil binigyan siya ng mga anak na mababait at matatalino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelu de Leon on her realizations after being elected Pasig councilor: "Makikita mo yung good and bad. Makikita mo yung difference ng tama at hindi na pamamahala. Makikita mo rin yung mga pangangailangan ng mga tao na minsan kahit na parang madaling solusyunan, hindi siya ganoon kadali."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @angeludeleonrivera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results