Si Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup-Lee ang national director ng Miss Universe Philippines mula pa noong 2019.
Taun-taon, sinusuportahan niya ang mga kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe dahil pumupunta siya sa mga bansang pinagdarausan ng nabanggit na patimpalak.
Pero sa mga hindi maiiwasang dahilan, hindi nakalipad si Shamcey sa El Salvador para suportahan si Michelle sa Miss Universe 2023 na naganap noong Linggo, Nobyembre 18, 2023.
Read: Miss Nicaragua crowned Miss Universe 2023; Michelle Dee reaches Top 10
Sa eksklusibo at personal na pakikipag-usap ng Cabinet Files kay Shamcey ngayong Lunes ng hapon, Nobyembre 20, ipinaliwanag niya ang mga rason tungkol sa kanyang naudlot na biyahe sa El Salvador.
Lahad niya, “A lot of things happening—personal, work, business.
"I was supposed to fly, I had to cancel last minute, but Michelle knows naman na talagang I am supporting her all the way.
“Before she left, I told her there might be a chance that I can’t come and nagso-sorry na ako sa kanya, but I said I will try to make it.
"But then, yun na nga, things happen, so I wasn’t able to come."
Hindi nakadalo si Shamcey sa gabi ng koronasyon ng 72nd Miss Universe kaya hindi rin niya nasaksihan ang pamamaalam ni Paula Shugart bilang presidente ng Miss Universe Organization.
Read: Paula Shugart steps down as president of Miss Universe Organization
Dalawampu’t limang taong nanungkulan si Paula bilang presidente ng Miss Universe Organization. Maayos at mahusay ang kanyang pamumuno kaya marami ang nabigla sa desisyon niyang bumaba mula sa puwesto.
Nakilala ni Shamcey si Paula nang ipadala siya ng Pilipinas na kandidata sa 60th Miss Universe na idinaos noong September 12, 2011.
Muling nagkrus ang kanilang mga landas nang magsimula ang kanyang pagsisilbi bilang national director ng Miss Universe Philippines Organization noong 2019.
Saad ni Shamcey, “It came as a surprise to many of the national directors.
"We’re still trying to navigate this time kasi for the longest, I think siya talaga yung lagi naming nakakausap.”
Ikinagulat daw ni Shamcey ang pasya ni Paula na iwanan ang Miss Universe Organization.
“Siya yung parang guiding light ng mga national director, but I’m pretty sure naman na she’s not gonna leave just like that.
“I think they will announce maybe in the next few weeks who will be the next or new president. Then we’ll see, but she’s gonna be missed talaga.
“She was there during my time as a candidate. We don’t know what happened.
"Maybe she’s moving on to greater things and I’m gonna support her kung saan man siya masaya," ani Shamcey.