Masaya at kuntento ang dating aktor na si Derek Dee sa performance ng kanyang anak na si Michelle Marquez Dee sa preliminary competition ng 72nd Miss Universe.
Read: Michelle Dee: The beauty, brains, and talent behind the Miss Universe PH 2023 crown
Ginanap ang pageant sa San Salvador, El Salvador noong Nobyembre 15, 2023; at live na napanood sa Pilipinas sa official YouTube channel ng Miss Universe Organization noong Huwebes, Nobyembre 16, 2023.
Sinabi ni Derek sa exclusive interview ng Cabinet Files na ikinagulat nila ng kanyang ex-wife na si Melanie Marquez ang transformation ni Michelle na nakasanayan nila na tawagin sa palayaw na Zara.
"All I can say is she worked hard for the contest. Even Melanie was surprised at how well Michelle is doing.
"Compared to Miss World, she has totally transformed.
"Melanie left last Wednesday and she was trembling not of fear but at the transformation of Michelle.
"Her words, 'I am so nervous because I think she can win the title,'" saad ni Derek tungkol tinuran ng kanyang ex-wife.
Si Michelle ang kinatawan ng Pilipinas at kabilang sa Top 12 candidates ng 69th Miss World na ginanap sa London noong Disyembre 14, 2019, at ito ang pageant na tinutukoy ni Derek na sinalihan ng bunsong anak nila ni Melanie.
Dalawa ang bunga ng pagmamahalan nina Derek at Melanie—si Michelle at ang Ate Maxine nito na Xuxa ang palayaw.
Carbon copy si Maxine ni Regina Dee, ang sumakabilang-buhay na lola nila ni Michelle.
Natutuwa si Derek dahil minana ng mga anak niya ang ilan sa magagandang katangian ng kanyang namayapa na ina.
"Michelle’s living with her grandma helped mold her that you have to let your inner beauty shine for your outer beauty to glow even more.
"Both of them have transformed into bright good looking women,"ang punumpuno ng pagmamahal na mga papuri ni Derek sa kanyang mga anak.
Read: Meet Regina Dee, influential female figure in Michelle Dee's life
MICHELLE DEE'S SIBLINGS FLY TO EL SALVADOR
Nasangkot si Derek sa isang vehicular accident ilang buwan na ang nakalilipas kaya gustuhin man niya, hindi siya makapupunta sa El Salvador para personal na suportahan ang Miss Universe bid ni Michelle.
Si Maxine o Xuxa ang magsisilbi na kinatawan ni Derek dahil lumipad na siya sa El Salvador para bigyan ng moral support ang kapatid niya.
Kasama ni Maxine sa El Salvador ang kanyang half-brother na si Abraham Lawyer at ang stepfather niya na si Adam Lawyer.
Umalis naman si Melanie sa Pilipinas noong Miyerkules, Nobyembre 18, 2023, papunta sa El Salvador.
Doon na sila magtatagpo ng kanyang mga anak na sina Maxine at Abraham dahil matagal nang hindi sila nagkakasama, mula pa noong maghatid ng perwisyo ang coronavirus pandemic sa buong mundo.
Related stories:
- Michelle Dee reacts to not getting the "loudest cheers" at Miss Universe 2023
- 14 evening gown standouts at Miss Universe 2023 preliminaries
- Michelle Dee exudes strong presence at Miss Universe 2023 preliminaries
- 12 national costume standouts at Miss Universe 2023