PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Isabel Rivas claims Azenith Briones missing

Nasaan si Azenith Briones?
by Jojo Gabinete
Published Nov 17, 2023
azenith briones missing
Ayon sa aktres na si Isabel Riveas (not in photo), ilang araw nang nawawala ang kaibigan niyang si Azenith Briones (nasa larawan): “Dinukot siya sa bahay niya sa BF [Parañaque City] tapos hindi na siya mahanap.”

Ilang araw na umanong nawawala ang veteran actress na si Azenith Briones kaya labis na nag-aalala ang mga nagmamalasakit sa kanya, kabilang ang matalik niyang kaibigan na si Isabel Rivas.

Sa pakikipag-usap ng Cabinet Files kay Isabel ngayong Biyernes ng gabi, Nobyembre 17, 2023, sinabi niyang "dinukot" si Azenith at hindi nila matukoy ang kinaroroonan ngayon ng 65-year-old actress.

Read: Azenith Briones on bridging Lorna Tolentino-Deborah Sun reconciliation: “Wala naman silang plano.”

“Dinukot siya sa bahay niya sa BF [Parañaque City] tapos hindi na siya mahanap,” sabi ni Isabel, na hindi mapalagay ang kalooban dahil sa nangyari sa kaibigan niya.

Nabanggit ni Isabel na tila may kinalaman sa pananalapi at mga ari-arian ang nangyari kay Azenith.

Umiiyak umano si Azenith nang isiwalat sa kanila ang mga problema nito tungkol sa mga tao sa kanyang paligid.

Lahad ni Isabel, “Kapag nakakausap niya ang mga kaibigan niya, umiiyak siya. Iniiyakan niya kaming lahat tuwing makikita namin siya dahil talagang aping-api siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Basta mahabang kuwento. Naaapi siya, in short.”

Ayaw maniwala ni Isabel sa impormasyong natanggap niya na, diumano, nasa maayos na kalagayan si Azenith.

“Paanong nasa maayos na kalagayan? Hindi nga namin siya nakikita. Hindi namin siya nakakausap…

“Hindi lang ako ang nag-aalala. Lahat ng mga kaibigan niya, nanay niya, kapatid niya, nag-aalala,” pahayag ni Isabel tungkol sa misteryosong pagkawala ni Azenith.

Read: Actress Azenith Briones's husband among dead in Resorts World attack

Si Azenith ay nagsimula sa showbiz noong mid-70s.

Isa siya sa naging paboritong leading lady ng action stars at comedian sa pelikula.

Kabilang sa mga pelikulang ginawa niya ay ang Omeng Satanasia (1977), Patayin si... Mediavillo (1978), High School Circa '65 (1979), Basta Driver Sweet Lover (1979), Temptation Island (1980), Totoy Magnum (1980), Boy Negro (1980), Kalabang Mortal (1981), Totoy Scarface (1981), at Johnny Tanggo (1982).

Sa ngayon, hindi malinaw kung ano ang talagang nangyari kay Azenith.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pahayag na maaaring makapag-bigay linaw sa isyung ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa aktres na si Isabel Riveas (not in photo), ilang araw nang nawawala ang kaibigan niyang si Azenith Briones (nasa larawan): “Dinukot siya sa bahay niya sa BF [Parañaque City] tapos hindi na siya mahanap.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results