“This too shall pass, salamat po sa lahat!”
Ito ang bahagi ng pasasalamat ni Col. Edison "Bong" Nebrija sa mga nagpadala sa kanya ng mga mensahe ng suporta at papuri pagkatapos ng “face-off “ nila ni Senator Bong Revilla Jr. sa Senado, kahapon, Nobyembre 15, 2023.
Read: Senator Bong Revilla reprimands MMDA officer over bus lane violation claim
“I’m deeply thankful for the overwhelming support I’ve received during these challenging times. Your posts, comments, calls and messages have been a source of strength and comfort, reminding me of the incredible kindness that surrounds me. Thank you from the bottom of my heart,” pasasalamat ni Nebrija.
Nagulat si Nebrija sa suporta, mga papuri at pagsaludo sa kanya ng publiko dahil inako niya ang pagkakamali ng traffic enforcer na naniwala sa motoristang nagsabi na si Revilla ang lulan ng sasakyan na dumaan sa bus lane na isang paglabag sa batas trapiko.
Si Nebrija ang Task Force Special Operations chief.
Pinatawan ng preventive suspension ni MMDA Chief Romando Artes si Nebrija dahil iniugnay niya si Revilla sa insidente, base sa maling impormasyon na ipinadala sa kanya ng traffic enforcer na ikinagalit at ikinapikon nang husto ng senador.
Iginiit ni Revilla na nasa Cavite siya at wala sa EDSA nang maganap ang insidente.
Iniimbestigahang mabuti ng MMDA para matukoy kung sino ang taong gumamit sa pangalan ng senador at dumaan sa bus lane para makaiwas sa mahigpit na daloy ng trapiko.
Ang humingi ng paumanhin sa bayan ang kundisyon na hiningi ni Revilla kay Nebrija, na walang pag-aalinlangang ginawa nito kaya nakuha niya ang paghanga, respeto, at pagsaludo ng publiko.
Nagmarka sa mga tao ang sinabi ni Nebrija: “Yes, Sir, I already apologized kanina. I already made an apology. Tao lang po tayo, lahat po tayo nagkakamali.
“E, ngayon, kung nagkamali yung enforcer ko, as the commander of the task force, the buck ends with me. I do not need to present the enforcer anymore.
“Kung nagkamali siya, ako na po ang sasagot. Wala po akong balak ipatanggal.
“Kung ako na lang, e, di ako na lang po but the buck ends with me. The responsibility ends with me.
"Yun po ang ano ng commander, I need to make decisions.
“It is not to ruin the senator. Alam ko po yung pangalan ni Senator, we have common friends. Wala po akong intensiyon na sirain dahil kung nagkamali po ako, ako na lang. Ako na lang,” pahayag ni Nebrija.
Nauna nang inakusahan ni Revilla si Revilla na “nagpapapogi” dahil sa pagpapainterbyu niya sa mga miyembro ng media.
Pahayag niya: “Kung nagpapapogi sila at gagamitin nilang senador, sana yung totoo. Huwag yung mali.
“Kung kinakailangan, kung talagang nagkasala yung senador o kahit sino pa siya, tiketan nila. Hindi yung gagamitin mo sa publicity para sumikat ka at magpapogi ka at the expense of what?”
Pero sa huli ay tinanggap din ni Revilla ang paumanhin ni Nebrija matapos ang kanilang face-off sa senado at sa harap ng media.