PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Comedian na si Gene Padilla, lubos na nag-aalala sa anak na may sakit

"Hindi pa ako naka-move on sa pagkawala ng isang anak namin noong 2018."
by Jojo Gabinete
Published Nov 13, 2023
Gene Padilla
Gene Padilla on seven-year-old daughter Catalina: "Muli po ako nahingi po ng dasal at panalangin para sa anak ko... Bleeding sa nose at suka ng dugo pati sa dumi niya gawa ng dengue."
PHOTO/S: Gene Padilla Facebook

Humihingi ng dasal ang komedyante na si Gene Padilla para sa kanyang pitong gulang na anak na babae na si Catalina Gene.

Kasalukuyang nakaratay si Catalina sa J.P. Sioson Hospital, Quezon City mula pa kahapon, Linggo, Nobyembre 12, 2023.

Pumayag si Gene na isang mapagmahal na ama na ilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kundisyon ng kanyang anak para madagdagan ang prayer warriors o ang mga magdarasal para sa mabilis na paggaling ni Catalina na dinapuan ng dengue.

Ramdam na ramdam namin ang labis na pagkabahala ni Gene nang sabihin niya sa Cabinet Files ngayong Lunes ng hapon, November 13, 2023 na "Hindi pa ako naka-move on sa pagkawala ng isang anak namin noong 2018."

Si Gene Justine ang anak na tinutukoy ni Gene na pumanaw noong June 29, 2018 dahil sa dengue.

Hanggang ngayon, labis na dinaramdam ni Gene ang nangyari kay Gene Justine, at bitbit niya ito habambuhay dahil napakasakit sa isang magulang na mawalan ng anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya ngayong si Catalina naman ang may sakit, hindi maiwasang lubos na mag-alala nang husto si Gene.

Bukod sa pakikipag-usap sa Cabinet Files para sa hinihiling na prayer warriors ng kanyang anak, ibinahagi ni Gene sa pamamagitan ng isang Facebook post ang paghingi niya ng dasal mula sa lahat para sa paggaling ni Catalina.

"Muli po ako nahingi po ng dasal at panalangin para sa anak ko na si Catalina Gene, 7-years-old.

"Bleeding sa nose at suka ng dugo pati sa dumi niya gawa ng dengue.

"Ako po ay nawalan ng anak taong 2018, 6-years-old siya nu’n…dengue 4th strain," ang nakakadurog ng puso na panawagan ni Gene, na ginagawa ang lahat para malampasan ng kanyang anak ang karamdaman nito.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gene Padilla on seven-year-old daughter Catalina: "Muli po ako nahingi po ng dasal at panalangin para sa anak ko... Bleeding sa nose at suka ng dugo pati sa dumi niya gawa ng dengue."
PHOTO/S: Gene Padilla Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results