PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Inarestong lider ng SBSI na si Senior Agila, miyembro ng FILSCAP

Jey Rence Quilario, sa NBI detention magse-celebrate ng 23rd birthday.
by Jojo Gabinete
Published Nov 8, 2023
jey rence quilario
Dalawampu’t isa ang bilang ng mga reklamo ng qualified trafficking in person, facilitation and solemnization of child marriages, child abuse ang inihain laban kay Jey Rence Quilario, aka Senior Agila, sa Regional Trial Court Branch 31 ng Dapa, Surigao del Norte, noong Lunes, Nobyembre 6, 2023.

Sa darating na Biyernes, Nobyembre 10, 2023, ang ika-23 kaarawan ni Jey Rence Quilario.

Pero hindi ito magkakaroon ng marangyang pagdiriwang dahil inaresto siya ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa labas ng Senate building pagkatapos ng huling araw ng pagdinig ng Committees on Public Order and Dangerous Drugs at ng Women, Children, Family Relations, and Gender Quality tungkol sa mga reklamo laban sa kanya, noong Martes, Nobyembre 7, 2023.

Si Quilario ang presidente ng Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI) sa Sitio Kapihan, Socorro, Surigao del Norte.

Ang SBSI ay pinaghihinalaang isang kulto at nasasangkot sa mga kaso ng paglabag sa Republic Act No. 9208 o ang Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 at pang-aabuso sa mga karapatang pantao.

Read: US Treasury sanctions Pastor Apollo Quiboloy over human rights abuse; DOJ still mum on the issue

Isang musician si Quilario, at Senior Aguila ang kanyang ginagamit na screen name.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagsasaliksik ng Cabinet Files, kasama ang pangalan niya sa listahan ng mga miyembro ng Filipino Society of Composers, Authors and Publishers (FILSCAP) na kinabibilangan ng mga kilalang mang-aawit at kompositor sa Philippine music industry.

Si Quilario ang kompositor ng "Sinag ng Pasko," ang 2023 Christmas Station ID ng ALT FM 105.5, ang radio station sa Sitio Kapihan ng ALT Entertainment, na siya ang chief executive officer.

Si Quilario ang presidente ng SBSI mula pa noong 2021. Siya ang inendorso ng nagtatag ng naturang organisasyon, ang kanyang dating guro sa high school na si Rosalinda Taruc na sumakabilang-buhay noong Hunyo 27, 2021.

Bukod sa pagiging president ng SBSI, kinikilala si Quilario ng kanyang mga nasasakupan bilang reincarnation ng Sto. Niño.

Sa pagdinig ng senado sa mga reklamo laban kay Quilario noong nakaraang buwan, ikinuwento ng dating miyembro ng SBSI at guro na si Regin Raiza Guma na may kapangyarihan ang batang lider na pahintuin ang ulan at magpakanta ng ibon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May kakayahan din umano si Quilario na magbago ng boses.

Aniya, “Nagsasalita siya ng pambabae [na boses], matandang babae, matandang lalake, at yung boses niya ngayon.”

Itinanggi ito ni Quilario.

Read: Pastor Apollo Quiboloy accepts Vice Ganda's challenge to stop Ang Probinsyano, EDSA traffic

Si Senator Risa Hontiveros ang nagbulgar ng mga nakagigimbal na gawain ni Quilario.

Kabilang dito ang sapilitang pagkakasal umano ni Quilario sa mga kabataang may edad labindalawa sa mga matatandang miyembro ng SBSI, at ang halos isang libong kabataang biktima umano ng seksuwal na pang-aabuso.

Pinatotohanan ito ng mga testigo.

“Hindi makararating sa langit,” panakot umano ni Quilario, isang dating altar server, sa mga batang ayaw sumunod sa kanyang mga kagustuhan at ipinag-uutos na makipagtalik.

Nakalulunos din ang rebelasyon ni Senator Hontiveros na mahigit sa dalawang daan ang mga sanggol na namatay sa Sitio Kapihan dahil tumanggi ang SBSI na dalhin ang mga ito sa pagamutan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dalawampu’t isa ang bilang ng mga reklamo ng qualified trafficking in person, facilitation and solemnization of child marriages, child abuse ang inihain laban kay Quilario sa Regional Trial Court Branch 31 ng Dapa, Surigao del Norte, noong Lunes, Nobyembre 6, 2023.

Ito ang basehan ng pag-aresto kay Quilario at sa ibang mga opisyal at miyembro ng SBSI.

Apatnapung (40) araw silang nanatili sa kustodiya (for contempt) ng Senado dahil sa paulit-ulit na pagtanggi sa mga bintang laban sa kanila.

Sa eksklusibong panayam ng GMA Integrated News kay Quilario, mariin nitong pinabulaanan ang mga paratang laban sa kanya at sa mga kasama niya.

Naniniwala si Quilario na may mas malalim na dahilan ang mga paninira dahil may interesado umanong gawing tourist spot ang lupang inookupahan ng SBSI.

Pansamantala lamang na nakahain sa Surigao del Norte ang mga kaso laban kay Quilario at sa labindalawang miyembro ng SBSI.

Desidido ang Department of Justice na ilipat sa Metro Manila ang pagdinig sa mga asunto para maiwasan ang pakikialam ng ibang mga taong may interes sa usapin at malapit sa mga nasasakdal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dalawampu’t isa ang bilang ng mga reklamo ng qualified trafficking in person, facilitation and solemnization of child marriages, child abuse ang inihain laban kay Jey Rence Quilario, aka Senior Agila, sa Regional Trial Court Branch 31 ng Dapa, Surigao del Norte, noong Lunes, Nobyembre 6, 2023.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results