Biyernes ng gabi, Nobyembre 3, 2023, Sabado ng tanghali sa Pilipinas, Nobyembre 4, nang makarating sa El Salvador si Michelle Marquez Dee, ang opisyal na kinatawan ng ating bansa sa 72nd Miss Universe na magaganap sa Nobyembre 18.
Nanggaling si Michelle sa Los Angeles, California.
Kasama niyang bumiyahe si Miss Universe Philippines Creative Director Jonas Gaffud.
Nakatakda namang lumipad sa El Salvador sa Nobyembre 10, si Melanie Marquez, ang ina ni Michelle, para magbigay ng suporta sa kanyang anak.
Gaya ni Michelle, hindi pa nararating ni Melanie ang El Salvador, kahit noong in-demand international model pa siya sa Amerika at Europa.
“Zara” ang tawag kay Michelle ng pamilya nito at sa panayam ng Cabinet Files kay Melanie ngayong Sabado ng hapon, ibinahagi niya ang mga payo para sa kanyang anak.
“Before her departure for Los Angeles, I told Zara to give her greatest persona the minute she arrives in El Salvador. Then, give herself time to meditate through prayers for her peace of mind and be energized the next day.
“It’s the only way she could relax. All she has to do is to be herself and enjoy every minute of her Miss Universe journey,” ang sabi ni Melanie na may karapatang magbigay ng payo dahil bukod sa pagiging sikat na international model, naghatid siya ng karangalan sa ating bansa nang mapanalunan niya ang 19th Miss International crown sa Tokyo, Japan noong Nobyembre 12, 1979.
Read: Michelle Dee reveals one great thing taught by dad, former action star Derek Dee

Tanong namin kay Melanie, gaano ka kakabado sa pagsali ni Michelle sa 72nd Miss Universe?
“This is an event of my daughter’s journey. She has worked very hard by giving more than one hundred percent of herself, which made me proud.
“Seeing how focused she truly is and her dedication to give honor to our countrymen really makes me proud.
"My only prayer for her is to have the best moment of her life,” ang sabi pa ni Melanie .
Pinarangalan ni Michelle ang ina sa guesting ng una sa Fast Talk with Boy Abunda noong nakaraang Lunes, Oktubre 30, 2023.
Sa ina raw minana ang pagiging maganda at palaban.
Nang tanungin kung ano pa ang minana niya mula sa kay Melanie, ang totoo pero pabirong sagot ni Michelle ay, “My long-legged."
Read: These 8 Filipina beauty queens have two pageant titles
Matatandaang noong sumali si Melanie sa Bb. Pilipinas noong 1979, pinagtawanan siya ng publiko dahil sa kanyang sagot sa tanong ng pageant host na si Eddie Mercado.
Ang tanong ay kung anong bahagi ng kanyang katawan ang nais niyang ipabago, sabi ng beuaty queen, “I won’t change my leg ‘coz I’m contented with my long-legged."
Sa kabila ng mga panlilibak kay Melanie dahil sa kanyang pahayag, siya ang kinoronahang 1979 Bb. Pilipinas-International sa Araneta Coliseum.
Napalitan naman ng paghanga at pagmamalaki ang mga batikos laban kay Melanie ng mga kapwa Pilipino nang manalo siyang 19th Miss International sa Tokyo, Japan.