PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joey Paras nagpahiwatig ng kanyang "pamamaalam"

Binawian pa rin ng buhay si Joey sa kabila ng pag-iingat.
by Jojo Gabinete
Published Oct 31, 2023
Sa kabila ng pag-iingat at pagsunod sa payo ng kanyang doktor, binawian pa rin ng buhay si Joey Paras. Nagpahiwatig pa si Joey nung July 2023 na gusto sana niyang magdirek o magsulat sa isang pelikula bago man lang siya mamatay.

Muling napatunayan ang kabutihan ng mga Pilipino nang bawian ng buhay noong Oktubre 29, 2023, Linggo, ang komedyante na si Joey Paras (Joseph Estrada Paras sa tunay na buhay) at nanawagan ng pinansiyal na tulong ang kanyang naulilang pamilya para sa mga bayarin sa ospital at punerarya.

May mga nagpadala ng dalawang piso, limang piso, bente, at singkuwenta pesos sa Gcash account ng pamangkin ni Joey.

Maliliit man ang halaga, napakalaking tulong na ito mula sa mga taong hindi naman nila personal na kakilala pero buong-puso na tumugon sa kanilang panawagan.

Inaasahan na maililipat bukas, Nobyembre 1, 2023, ang mga labi ni Joey sa isang funeral chapel sa Quezon City, para maging madali sa mga makikiramay na puntahan ang burol niya.

Hindi pa itinatakda ng pamilya ni Joey ang araw ng libing, pero ihahatid siya sa huling hantungan niya sa La Loma Catholic Cemetery sa Quezon City, dahil dito nakahimlay ang kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa La Loma po siya ililibing. Noong buhay pa po si Tito Joey, palagi niyang sinasabi na gusto niya na ilagay siya sa libingan ng mommy niya," pahayag sa Cabinet Files ni Zciara Fabian, ang pamangkin ni Joey.

Matagal nang hindi aktibo si Joey sa showbiz dahil sa kanyang sakit sa puso.

Noong June 2023, muli siyang sumailalim sa surgery sa Philippine General Hospital dahil pinalitan ng doktor ang baterya sa kanyang Cardiac Resynchronisation Therapy Device (CRTD) o pacemaker na inilagay para maging normal ang pagtibok ng puso niya.

Sinunod na mabuti ni Joey ang payo ng doktor na magpahinga muna siya kaya hindi niya pinupuntahan ang mga imbitasyon sa kanya, pati na mga birthday party.

Noong Hulyo 2023, tila nagpahiwatig si Joey tungkol sa kanyang nalalapit na pagkawala dahil nagbitaw siya ng salita na gusto niyang magtrabaho bilang writer o direktor bago man lamang siya mamaalam.

Hindi na natupad ang plano ni Joey na maging direktor o writer sa mga pelikula o television show dahil pumanaw siya sa edad na 45 noong nakaraang Linggo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kabila ng pag-iingat at pagsunod sa payo ng kanyang doktor, binawian pa rin ng buhay si Joey Paras. Nagpahiwatig pa si Joey nung July 2023 na gusto sana niyang magdirek o magsulat sa isang pelikula bago man lang siya mamatay.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results