Nasa kulungan na ang 14-year-old Thai na namaril at nakapatay ng tatlong tao sa krimeng nangyari sa Siam Paragon, isang sikat na mall sa Bangkok, Thailand, noong Oktubre 3, 2023.
Ang naturang mall ay paborito ring puntahan ng mga turistang Pilipino.
Hindi binabanggit sa mga balita ang pangalan ng mga nasawi at nasaktan, pati na ang suspek na biktima umano ng bullying, dahil mga menor de edad sila.
Nang bumisita si Mister International 2023 Kim Goodburn sa Pilipinas noong nakaraang linggo, para dumalo sa huling gabi ng The Filipino Festival, isa sa tinanong ng Cabinet Files ay mga bagong resulta sa imbestigasyon tungkol sa trahedyang ikinabigla ng mamamayan ng Thailand at ng buong mundo.
Nagpahayag ng kalungkutan si Kim, na isang Thai national.
Read: Mister International 2023 Kim Goodburn says his win in Thailand not hometown decision
“It’s very, very sad. Nobody really, really expected it to happen and, obviously, the security also kinda reflected how we weren’t ready because we don’t really have mass shootings in Thailand.
"There has been a few instances in other provinces but, I think, it’s just how we ingrained teachings in our youth.
“That’s super important ‘coz my parents taught me from a young age to do the right things but they didn’t put too much pressure on me,” saad ni Kim tungkol sa nakagigimbal na pangyayari.
Pagpapatuloy niya, “From what I’ve heard, the suspect was brought up with a lot of pressure… bullying and everything.
“I think, it’s not just that one person that needs to change but, I think, us a society rather has to change for the better. Don’t put so much pressure on the kids.”
Nanawagan din si Kim na mabigyan ng hustisya ang mga nasawi.
Nakakulong sa kasalukuyan sa Juvenile Observation and Protection Center ang suspect sa mass shooting sa Siam Paragon Mall. Hindi na naghain ng piyansa ang kanyang mga magulang na nangakong tutulong sa imbestigasyon ng Thai Police para hindi na maulit ang trahedya.
Humingi rin ng kapatawaran ang ama at ina ng 14-year-old suspect sa lahat dahil sa krimeng ginawa ng kanilang anak.
Samantala, nakabalik na si Kim sa Bangkok matapos ang maikling panahong pamamalagi sa Pilipinas.
Bilang parangal sa mga Pilipino, Barong Tagalog ang isinuot ni Kim sa biyahe nito pauwi sa Bangkok.
View this post on Instagram
Sa panayam sa kanya sa Suvarnabhumi International Airport, may panghihinayang na sinabi ng reigning Mister International na hindi siya nagkaroon ng pagkakataong matikman ang halo-halo, pero tuwang-tuwa siya dahil sa malutong na chicken joy na kinain niya.
Sa Instagram post ni Kim, pinasalamatan niya sa lengguwaheng Tagalog ang mga Pilipino dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya.
“Mula sa aking puso, maraming-maraming salamat Pilipinas. Mabuhay at laban lang! And see you again soon. Mahal ko kayo,” pasasalamat ni Kim.