Ibinahagi ni Martin Nievera sa kanyang social media followers ang sakit ng kalooban na nararamdaman dahil hindi niya nayakap ang anak na si Santino sa mismong kaarawan nito noong Oktubre 23, 2023.
Si Santino ang anak ni Martin at ng dating karelasyon niya na si Katrina Ojeda.
May mga espesyal na pangangailangan si Santino dahil meron itong Autism Spectrum Disorder (ASD).
Read: Martin Nievera recounts touching moment when son Santino first learned he has autism
Noong Lunes ang ika-labimpitong kaarawan ni Santino, pero hindi sila nagkasama ng kanyang ama.
Ramdam na ramdam ang pagkabahala at kalungkutan ni Martin sa kanyang Instagram post tungkol sa hindi nila pagkikita ng bunsong anak dahil sa personal na dahilan na hindi na niya ikinuwento.
Pagbabahagi ng Concert King, “October 23, 2023 will go down in history in my life anyway as the very first time in all of Santino’s birthdays that I was not able to see him and hug him on the actual day of his birth."
Ayon kay Martin, nagkasama sila ni Santino isang araw bago ang kaarawan nito.
Base nga sa naunang Instagram post ni Martin ay nagkaroon ng advance birthday celebration si Santino sa isang bowling alley. Makikita sa photos at video na ibinahagi ni Martin na kasama sa selebrasyon si Katrina, ang mga kapatid ni Santino kay Martin na sina Robin at Ram, at iba pang mga kaibigan.
Taun-taon ay inaayos daw talaga ni Martin ang kanyang schedule para makalipad sa Amerika, kung saan nakatira si Santino kasama ang ina nto, at matiyak na makapiling ang anak sa mismong kaarawan nito.
Ngunit mayroon daw "forces even stronger than God" na humarang dito ngayong taon.
Dahil dito, nasira raw ang perpekto sana niyang "October 23 hug record," kung saan niyayakap niya si Santino sa mismong araw ng kapanganakan nito.
Himutok ni Martin, “Oh I was in town alright and no I was not busy at all. I fix my whole life so that I would be here just as I do every year, but there are forces even stronger than God that kept me away!
“Yes I was there the day before for the party, but I am talking about the actual day he was born….
"Believe me it was not an easy decision but I hate confrontations and will always choose peace over war every time so I chose the high road, but the price I paid ruined my perfect 'October 23hug record.'
"I hope my son will forgive me.
“My whole month of October Ruined in a day. Because of pride and anger and pain.
"Can’t get into much detail cause I am not one to do my laundry here, but I just feel so guilty for missing this hug with my Santino and I figured venting here may help.
"I missed so many birthday hugs with my other two sons as it is so I have been trying to be better at that with Santino, but oh well that’s all ruined now.
"Thanks for listening. I feel a little better."
Read: Martin Nievera on having a child with special needs: "There is nothing to be sorry for."
View this post on Instagram
Ang makahulugang post na ito ni Martin ang kumpirmasyong may personal na isyu siyang pinagdaraanan.
Muli naman napatunayan ang pagiging mabuting madrasta ni Pops Fernandez, ang ex-wife ni Martin, dahil binati niya ng maligayang kaarawan si Santino sa pamamagitan ng Instagram stories.
Tanggap na tanggap ni Pops si Santino dahil, tulad ng sinabi niya sa isang panayam, walang kinalaman ang anak ni Martin sa mga nangyari sa kanilang relasyon noon.
Gusto rin ni Pops na maganda ang relasyon kay Santino ng kanyang mga anak na sina Robin at Ram dahil malapit at mahal na mahal ng singer-actress ang mga half-sister at half-brother niya.
Read: Pops Fernandez finds peace, healing and closure amid "modern family"