PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Lloyd Cruz pabalik na sa GMA-7

'Happy ToGetHer' direk Edgar Mortiz, may gagawing sitcom pero sa ibang channel.
by Jojo Gabinete
Published Oct 22, 2023
John Lloyd Cruz
Malapit nang bumalik si John Lloyd Cruz sa Kapuso Network, ilang buwan mula nang magtapos ang show niya rito na 'Happy ToGetHer.'
PHOTO/S: @johnlloydcruz83 Instagram

“Nagsimula na ang pre-production,” ang sagot ni John Lloyd Cruz nang tanungin ito ng Cabinet Files tungkol sa bagong programa niya sa GMA-7.

Personal na nakausap si John Lloyd ng Cabinet Files noong Huwebes, Oktubre 19, 2023, at ang pagbabalik niya sa Kapuso Network ang aming itinanong sa kanya matapos magpaalam sa telebisyon noong August 6, 2023, ang Happy ToGetHer, ang top-rating sitcom niya.

Ikinagulat ng mga tagahanga ni John Lloyd at ng mga tumatangkilik ng Happy ToGetHer ang joint statement na inilabas ng GMA Network at ng Crown Artist Management Inc. noong Hulyo 2023 tungkol sa pagwawakas ng nabanggit na sitcom.

Naramdaman naman namin na pansamantala lamang ang pamamahinga ni John Lloyd sa telebisyon dahil malinaw ang nakasaad sa isang bahagi ng opisyal na pahayag ng GMA Network at Crown Artist Management Inc. na, “GMA Network and Crown Artist Management Inc. will still work on possible future collaborations, especially with the award-winning actor and Box-Office King John Lloyd Cruz.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Crown Artist Management Inc.ang namamahala sa showbiz career ni John Lloyd at ang sagot nito na nag-umpisa na ang “pre-production” ang kumpirmasyon na magbabalik siya sa GMA-7 at muling mapapanood sa isang programa na siya ang bida, base na rin sa nakalagay sa official statement na “possible future collaborations.”

Si Edgar Mortiz ang “creator at director" ng Happy ToGetHer at diumano, nagulat ang actor-director nang makarating sa kanya ang balita na magtatapos na ang kanilang programa habang nasa Japan siya noong Hulyo 2023.

Mula noon, hindi pa nagbibigay ng reaksyon si Edgar tungkol sa isyu pero may balita na may pinaplano siyang isang sitcom na pagbibidahan ng sikat na showbiz family pero para sa ibang network at hindi sa GMA-7.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malapit nang bumalik si John Lloyd Cruz sa Kapuso Network, ilang buwan mula nang magtapos ang show niya rito na 'Happy ToGetHer.'
PHOTO/S: @johnlloydcruz83 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results