PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Atasha Muhlach, minana sa amang si Aga Muhlach ang talent sa pagkanta

Atasha Muhlach, ilulunsad ang first single sa 'E.A.T.'?
by Jojo Gabinete
Published Oct 20, 2023
atasha muhlach recording
Atasha Muhlach gets a visit from her dad Aga Muhlach while recording her first single, "Pasuyo."
PHOTO/S: @atashamuhlach on Instagram

Buong-buo ang suporta na ibinigay kay Atasha Muhlach ng pamilya nito sa recording niya noong nakaraang buwan para sa "Pasuyo," ang debut single niya na nakatakdang i-release sa Oktubre 25, 2023.

Sinamahan si Atasha sa recording studio ng kanyang mga magulang na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez, lola na si Elvie Gonzales, pati na ang yaya niyang sinaksihan ang isa sa mga milestone sa buhay ng 21-year-old singer-TV host.

Read: Atasha Muhlach, excited na sa release ng kanyang first single bilang singer

Sa pamamagitan ng isang social media post, ibinahagi ni Atasha ang karanasan sa unang pagtapak niya sa recording studio, kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

Mensahe niya sa kanyang post, “First time in the recording studio with the best surprise and support from my family. Can’t wait for you all to hear it. Special thank you to the team who helped put all of this together.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinusuan ito ni Aga at nagkomento ng “I pray that you sing like me.”

View this post on Instagram

A post shared by Atasha (@atashamuhlach_)

May mga nakarinig na sa kabuuan ng "Pasuyo" at bumilib sila sa magandang boses ni Atasha.

Sang-ayon sila na totoong minana ni Atasha mula kay Aga ang husay sa pagkanta, pero hindi lamang nito masyadong sineryoso.

Bukod sa pagkanta, ang galing sa pagsasayaw nina Aga at Charlene ang isa pa sa mga talentong taglay ng kanilang anak na babae.

Magdiriwang si Atasha ng 22ng birthday sa November 6, at malaki ang posibilidad na ilunsad niya sa E.A.T. ang kanyang debut single.

Read: Atasha Muhlach, positive reviews sa televiewers sa unang araw niya bilang E.A.T. Dabarkads

Opisyal na ipinakilala si Atasha bilang contract star ng Viva Artists Agency noong Hulyo 2023.

Mula noon, pinaghandaan na niya ang recording para unang kanta dahil maging singer ang isa sa kanyang mga pangarap.

Nagkaroon si Atasha ng voice lessons bago siya sumabak sa recording ng "Pasuyo," at malaki ang naitulong ng partisipasyon niya sa E.A.T. bilang co-host dahil nakilala siya ng masa at nadagdagan ang kanyang supporters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gustung-gusto si Atasha ng mga kasamahan niya sa E.A.T. dahil sa kanyang likas na kabaitan at mahusay na pakikisama.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Atasha Muhlach gets a visit from her dad Aga Muhlach while recording her first single, "Pasuyo."
PHOTO/S: @atashamuhlach on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results