PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Abegail Rait Prepares for Showbiz

Gaile Francesca, sasabak na rin sa showbiz matapos nilang lumantad ng ina.
by Jojo Gabinete
Published Oct 18, 2023
abegail rait gaile francesca
Abegail Rait (left) introduces her daughter Gaile Francesca (right) as her love child with the late Master Rapper Francis Magalona.
PHOTO/S: Boss Toyo Production YouTube

Hindi maipagkakailang ang planong pagpasok sa entertainment industry ng kanyang 15-year-old daughter na si Gaile Francesca ang pangunahing dahilan ng muling paglantad ni Abegail Rait.

Si Abegail ang babaeng nagpakilala dngating karelasyon ni Francis Magalona, ang Master Rapper ng Pilipinas na namayapa noong March 6, 2009.

Read: Babaeng nakarelasyon umano ni Francis M., muling lumantad para ipakilala ang kanilang anak

Unang nalaman ng publiko ang inililihim na relasyon nina Francis at Abegail nang lumitaw sa Internet ang kanilang mga larawang magkasama, ilang buwan matapos pumanaw ang rapper-TV host-actor.

Pero kusang nanahimik ang balita dahil sa pakiusap sa media ng mga nagmamalasakit sa naulilang pamilya ng pumanaw na personalidad.

abegail rait francis magalona

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makalipas ang labinlimang taon, lumantad muli si Abegail, kasama si Gaile na ipinakilala niya bilang anak nila ni Francis.

Kasabay ng paglantad ng mag-ina ang paglabas sa social media ng mga video ni Gaile na kinakanta ang hit song ni Francis, na isang paraan ng pagsasabi niyang tunay siyang anak ng sumakabilang-buhay na King of Rap.

Pinaghahandaan na ni Gaile ang pagpasok niya sa showbiz sa pamamagitan ng pagdalo sa workshop. Nakahanap na rin sila ni Abegail ng manager na mamamahala sa kanyang career.

Mabilis na nakuha nina Abegail at Gaile ang atensiyon at interes ng publiko dahil ang pangalan ni Francis ang naging lisensiya nila.

Malaking tulong ang iba’t ibang social media platforms kaya pinag-uusapan sila ngayon.

Pero maraming proseso ang pagdaraanan ng bata para matupad ang pinapangarap nitong showbiz career, tulad ng paghingi ng permiso mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) dahil menor de edad pa siya para sumabak sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kailangan ding patunayan ni Gaile na may talento ito at may kakayahang gumawa ng sariling pangalan sa industriya na kanyang papasukin dahil hindi puwedeng "anak ni Francis Magalona" ang habambuhay na gagamitin niya.

Maaaring gamiting inspirasyon ni Gaile si Lovi Poe.

Labinlimang taon din ang edad ni Lovi nang pumasok siya sa showbiz, ilang buwan matapos bawian ng buhay ang kanyang ama—ang King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.—noong December 14, 2004.

Natupad ang pangarap ni Lovi na magkaroon ng sariling pangalan at puwang sa entertainment industry dahil bukod sa talent sa pag-arte at pagkanta, nagtiyaga siya, nagsipag, at ginawa ang lahat para marating ang puwesto sa showbiz na kinaroroonan niya sa kasalukuyan.

Read: Lovi Poe draws inspiration from late father for her acting

Meanwhile, hindi pa naglalabas ng pahayag si Abegail tungkol sa pinag-uusapang paglantad nila ng kanyang anak, sa pamamagitan ng paglabas at pagsasalita sa isang vlog, kaya nag-uunahan ang mga miyembro ng media na makapanayam nang personal ang mag-ina.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero kung magiging masipag sa pagsasaliksik ang mga reporter at ang mga mahihilig sa showbiz controversy, tiyak na mababasa nila ang kuwento ng isang kamag-anak ni Abegail na saksi umano sa relasyon nila ni Francis, mula nang isilang si Gaile noong 2008.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Abegail Rait (left) introduces her daughter Gaile Francesca (right) as her love child with the late Master Rapper Francis Magalona.
PHOTO/S: Boss Toyo Production YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results